3,165 total views
Nananawagan ng kahinahunan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, kaugnay na rin sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa ilang pinuno ng pamahalaan, kabilang na ang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ikinagulat din ng obispo, ang mga binitawang salita ng bise presidente na aniya’y hindi naaakma sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
“I am shocked with the recent pronouncement of our VP, herself being the second powerful official of our land. All I can say is that let us maintain our composure even if things are not doing well, let us join our hands and energies together by not succumbing to the present turn of events but rather let the reason and love for each other which is stronger than any power of evil and destruction,” ayon kay Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.
Binigyang-diin ni Florencio na ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay mahalaga sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa bansa.
Dagdag pa ng obispo, ang pagtutok sa mga tungkulin at pananagutan ng bawat isa bilang mamamayan ay susi upang mapanatili ang integridad ng Konstitusyon at ng ating bayan.
“Let us rally behind our duly constituted obligations to sere our our country by upholding the constititution. In the mean time I assure all of you that if kneel in prayer to our father in heaven invoking his Guidance and blesssing,” saad pa ng obispo.
Hinikayat din ni Bishop Florencio ang lahat na patuloy na panalangin at hingin ang pag-gabay at pagpapala ng Diyos sa bansa, at umaasa siyang ang bawat isa ay mananatili sa landas ng pag-ibig, pagkakaisa, at pananampalataya.