Plastic treaty, panawagan ng LRC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,914 total views

Iginiit ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na mahalaga ang pagkakaroon ng bagong plastic treaty upang matugunan ang patuloy na suliranin ng plastic pollution sa buong mundo.

Ayon kay Atty. Mai Taqueban, ang executive director ng LRC, ang kakulangan ng ganitong uri ng kasunduan ay maaaring magdulot ng patuloy na pinsala sa kalikasan, lalo na sa pamamagitan ng pagtaas ng greenhouse gas emissions dulot ng labis na produksyon ng plastik.

Ang pahayag ni Taqueban ay bahagi ng panawagan ng Friends of the Earth International at Friends of the Earth South Korea (KFEM), kasabay ng 5th Intergovernmental Negotiating Committee (INC-5) Session sa Busan, South Korea simula November 25 hanggang December 1, 2024.

“With latest reports projecting the growth of plastics overproduction towards contributing 20% of global greenhouse gas emissions by 2050, it is urgent for a Global Plastics Treaty to be passed to drastically curb plastics pollution,” ayon kay Taqueban.

Tinukoy ni Taqueban, na siya ring kasapi ng Friends of the Earth Philippines, ang kalagayan ng Pilipinas na nahaharap sa matinding pagbaha dulot ng pagbabago ng klima. Ayon sa kanya, ang polusyon sa plastik ay lalong nagpapalala ng mga pagbaha at iba pang epekto ng klima sa bansa.

Nanawagan si Taqueban sa pamahalaan ng Pilipinas na manguna sa pagsusulong at pagsuporta sa isang mas ambisyosong kasunduan tungkol sa plastik upang matulungan ang bansa sa paglutas ng matagal nang suliranin na ito.

“The Philippine government must champion an ambitious plastics treaty as we are drowning in climate change-aggravated floods worsened, among others, by almost a million tons of annually mismanaged plastic pollution,” saad ni Taqueban.

Sa pagsisimula ng INC-5, lumikha ang 500 kasapi ng Friends of the Earth International ng isang human sign na “End Plastic,” bilang panawagan sa mga lider ng iba’t ibang bansa na isulong ang pagpapatibay ng kasunduan hinggil sa krisis sa plastik.

Tinatayang 175 delegado mula sa iba’t ibang bansa ang makikibahagi sa negosasyon upang bumuo ng bagong kasunduan para wakasan ang plastic pollution, kabilang na ang polusyon sa karagatan, na layunin ding papanagutin ang mga malalaking kumpanya na may kinalaman sa pandaigdigang suliranin ng plastik.

Una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pamamagitan ng Laudato Si’ na bawasan ang paggamit ng plastik at iba pang disposable materials upang mabawasan ang mga basurang nalilikha na nagiging tambak lamang sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 56,991 total views

 56,991 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 90,073 total views

 90,073 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 118,424 total views

 118,424 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 186,156 total views

 186,156 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 205,348 total views

 205,348 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top