Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 2,647 total views

Ang Mabuting Balita, 22 Nobyembre 2023 – Lucas 19: 11-28
KAISA-ISANG PANGINOON
Noong panahong iyon, isinaysay ni Jesus ang isang talinghaga sa mga nakarinig ng una niyang pangungusap. Ginawa niya ito sapagkat malapit na siya sa Jerusalem, at ang akala ng mga tao ay itatatag na ang kaharian ng Diyos. Sabi niya: “May isang mahal na taong nagtungo sa malayong lupain upang gawing hari at magbalik pagkatapos niyon. Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin. Binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang salaping ginto at sinabihan sila, ‘Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa pagbabalik ko.’ Poot na poot naman sa kanya ang kanyang mga kababayan, kaya’t pagkaalis niya, nagsugo sila ng mga kinatawan upang sabihin sa kinauukulan: ‘Ayaw naming maging hari ang taong ito!’ “Ngunit ginawa ring hari ang taong iyon. Umuwi siya pagkatapos, at ipinatawag ang mga aliping binigyan niya ng salaping ginto, upang malaman kung gaano ang tinubo ng bawat isa. Lumapit sa kanya ang una at ang sabi, ‘Panginoon, ang salapi ninyong ginto ay nagtubo ng sampu.’ ‘Magaling,’ sagot niya. ‘Mabuting alipin! Yamang naging matapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa sampung bayan.’ Lumapit ang ikalawa at ang sinabi, ‘Panginoon, ang inyong salaping ginto ay nagtubo ng lima.’ At sinabi niya sa kanya, ‘Mamamahala ka sa limang bayan.’ Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, ‘Panginoon, heto po ang inyong salaping ginto. Binalot ko po sa panyo at itinago. Natatakot po ako sa inyo, sapagkat napakahigpit ninyo; kinukuha ninyo ang hindi sa inyo, at inaani ang hindi ninyo inihasik.’ Sinagot siya ng kanyang panginoon, ‘Masamang alipin! Sa salita mong iyan kita hahatulan. Alam mo palang ako’y mahigpit. Sinabi mo, kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko inihasik. Bakit hindi mo inilagay sa bangko ang aking salapi? Pagbabalik ko, sana’y may tinubo ang puhunang ito.’ At sinabi niya sa mga naroroon, ‘Kunin ninyo sa kanya ang salaping ginto, at ibigay sa may sampu.’ ‘Panginoon, siya po’y mayroon nang sampung salaping ginto!’ wika nila. ‘Sinasabi ko sa inyo: ang bawat mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Tungkol naman sa mga kaaway kong aayaw na ako’y maghari sa kanila – dalhin ninyo dito at patayin sa harapan ko!’”
————
Dinala tayo ng Diyos dito sa mundo at binigyan ng mga kakayahan na kailangang gamitin para sa ikauunlad ng sangkatauhan, ng mundo. Hindi natin alam kung kailan babalik ang Panginoong Diyos at itatanong kung paano natin ginamit ang mga kakayahang ibinigay niya sa atin. Marahil nagtatanong tayo: Anong klaseng Diyos meron tayo? Nilikha tayo, binigyan ng kakayahan, pagkatapos itutulak tayo na gamitin ang mga binigay niya upang gampanan ang ating papel sa pag-unlad ng mundo?
Marahil ang tanong na ito ay hindi lamang ng ilan sa atin, kundi marami sa atin. Kung ganito tayo mag-isip, marahil ito ay dahil hindi natin makita ang kahulugan ng ating buhay. Sinikap ba nating hanapin ang kahulugan ng buhay? Kung ganito tayo mag-isip, marahil dahil nag-iisip tayo bilang tao. Ang pag-iisip natin ay hindi maaaring maging pag-iisip ng Diyos. Siya ay Diyos. Hindi tayo Diyos. Kung ganito tayo mag-isip, marahil ito ay dahil hindi natin natatanto na napakalaking pribilehiyo at napakalaking karangalan ang malikha at mapili ng KAISA-ISANG PANGINOON!
“Narito aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay.” (Isaias 49: 16)
Maraming salamat Panginoon, sa napakalaking pribilehiyo!
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 13,974 total views

 13,974 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 64,537 total views

 64,537 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 12,852 total views

 12,852 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 69,718 total views

 69,718 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 49,913 total views

 49,913 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

CONVICTION

 236 total views

 236 total views Gospel Reading for September 16, 2024 – Luke 7: 1-10 CONVICTION When Jesus had finished all his words to the people, he entered Capernaum. A centurion there had a slave who was ill and about to die, and he was valuable to him. When he heard about Jesus, he sent elders of the

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

TRULY AWESOME

 448 total views

 448 total views Gospel Reading for September 15, 2024 – Mark 8: 27-35 TRULY AWESOME Jesus and his disciples set out for the villages of Caesarea Philippi. Along the way he asked his disciples, “Who do people say that I am?” They said in reply, “John the Baptist, others Elijah, still others one of the prophets.”

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

IMMENSE LOVE

 593 total views

 593 total views Gospel Reading for September 14, 2024 – John 3: 13-17 IMMENSE LOVE Feast of the Exaltation of the Holy Cross Jesus said to Nicodemus: “No one has gone up to heaven except the one who has come down from heaven, the Son of Man. And just as Moses lifted up the serpent in

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

WASTE OF TIME

 682 total views

 682 total views Gospel Reading for September 13, 2024 – Luke 6: 39-42 WASTE OF TIME Jesus told his disciples a parable: “Can a blind person guide a blind person? Will not both fall into a pit? No disciple is superior to the teacher; but when fully trained, every disciple will be like his teacher. Why

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Jerico Habunal

THE DIVINE IN US

 12,853 total views

 12,853 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

ETERNAL BLISS

 919 total views

 919 total views Gospel Reading for September 11, 2024 – Luke 6: 20-26 ETERNAL BLISS Raising his eyes toward his disciples Jesus said: “Blessed are you who are poor, for the Kingdom of God is yours. Blessed are you who are now hungry, for you will be satisfied. Blessed are you who are now weeping, for

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

MORE WORTHY

 924 total views

 924 total views Gospel Reading for September 10, 2024 – Luke 6: 12-19 MORE WORTHY Jesus departed to the mountain to pray, and he spent the night in prayer to God. When day came, he called his disciples to himself, and from them he chose Twelve, whom he also named Apostles: Simon, whom he named Peter,

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

CELEBRATION

 924 total views

 924 total views Gospel Reading for September 09, 2024 – Luke 6: 6-11 CELEBRATION On a certain sabbath Jesus went into the synagogue and taught, and there was a man there whose right hand was withered. The scribes and the Pharisees watched him closely to see if he would cure on the sabbath so that they

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

THE WORST OF THE WORST

 924 total views

 924 total views Gospel Reading for September 8, 2024 – Mark 7: 31-37 THE WORST OF THE WORST Again Jesus left the district of Tyre and went by way of Sidon to the Sea of Galilee, into the district of the Decapolis. And people brought to him a deaf man who had a speech impediment and

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

HIGHEST FORM OF PRAYER

 924 total views

 924 total views Gospel Reading for September 07, 2024 – Luke 6: 1-5 HIGHEST FORM OF PRAYER While Jesus was going through a field of grain on a sabbath, his disciples were picking the heads of grain, rubbing them in their hands, and eating them. Some Pharisees said, “Why are you doing what is unlawful on

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

FIRST CATECHISTS

 1,391 total views

 1,391 total views Gospel Reading for September 06, 2024 – Luke 5: 33-39 FIRST CATECHISTS The scribes and Pharisees said to Jesus, “The disciples of John the Baptist fast often and offer prayers, and the disciples of the Pharisees do the same; but yours eat and drink.” Jesus answered them, “Can you make the wedding guests

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

A MIRACLE TO HAPPEN

 1,392 total views

 1,392 total views Gospel Reading for September 05, 2024 – Luke 5: 1-11 A MIRACLE TO HAPPEN While the crowd was pressing in on Jesus and listening to the word of God, he was standing by the Lake of Gennesaret. He saw two boats there alongside the lake; the fishermen had disembarked and were washing their

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

HEAVEN ON EARTH

 1,595 total views

 1,595 total views Gospel Reading for September 4, 2024 – Luke 4: 38-44 HEAVEN ON EARTH After Jesus left the synagogue, he entered the house of Simon. Simon’s mother-in-law was afflicted with a severe fever, and they interceded with him about her. He stood over her, rebuked the fever, and it left her. She got up

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

DETERMINATION

 1,595 total views

 1,595 total views Gospel Reading for September 3, 2024 – Luke 4: 31-37 DETERMINATION Jesus went down to Capernaum, a town of Galilee. He taught them on the sabbath, and they were astonished at his teaching because he spoke with authority. In the synagogue there was a man with the spirit of an unclean demon, and

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

LIVING LIFE TO THE FULLEST!

 1,595 total views

 1,595 total views Gospel Reading for September 2, 2024 – Luke 4: 16-30 LIVING LIFE TO THE FULLEST! Jesus came to Nazareth, where he had grown up, and went according to his custom into the synagogue on the sabbath day. He stood up to read and was handed a scroll of the prophet Isaiah. He unrolled

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top