Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pari, nanawagang ipagdasal ang seguridad ni de Lima

SHARE THE TRUTH

 40,155 total views

Naniniwala si Fr. Flavie Villanueva, SVD na mahalagang ipanalangin ang seguridad at kaligtasan ni dating Senator Leila De Lima.

Ito ang bahagi ng pahayag ng Pari, founder ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na may programang Paghilom para sa mga biktima ng marahas na War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte at nagsilbi ring spiritual adviser ng dating mambabatas matapos makalaya makalipas ang halos pitong taong pagkakakulong.

Ayon sa Pari, mas higit ng lantad sa karahasan at kapahamakan si De Lima matapos na makalaya kaya naman mahalagang ipanalagin ang kanyang kaligtasan at seguridad.

Tinukoy ni Fr. Villanueva ang libu-libong nasawi sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte na nagdulot ng takot sa mga mamamayan.

“Yung panalangin, isa lang, yung kaniyang safety and security. Yung kaniyang seguridad at kaligtasan, dahil sabi ko nga yung nagpakulong sa kaniya, wala namang iba kundi si Duterte ay nagpapapatay ng walang dahilan, ngayon na alam niya na lumaya ang isang tao na kinakatakutan niya, ay naiisip ko at hindi malayong isipin na magkakaroon siya ng dahilan na magpapapatay… Dahil nung nagpapatay siya ng libu-libung tao sa giyera kontra sa droga, there was really no threat, the war on drugs was just an excuse to inflict fear and that was the only reason that thousand were killed.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva sa Radio Veritas.

Matatandang makalipas ang halos pitong taong pagkakakulong ay tuluyan ng nakalaya si De Lima noong ika-13 ng Nobyembre, 2023 matapos na payagan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang paglalagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P300,000 kasama ang iba pang mga akusado na sina former Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, dating driver-body guard Ronnie Dayan, police asset Jose Adrian Dera at security aide Jonnel Sanchez.

February 2017 ng sampahan ng kaso at arestuhin si De Lima kaugnay sa kasong may kinalaman sa illegal na droga, kabilang na ang alegasyon ng pagbebenta ng illegal na droga ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison upang pondohan ang kanyang kandidatura bilang senador noong 2016.

Sa kasalukuyan, isa na lamang sa tatlong kaso ang kinakarahap ni De Lima, matapos na mapawalang sala ng hukuman sa ilan pang mga naunang kasong kinasangkutan dahil na din sa pagbawi ng mga testimonya ng mga testigo na una ng nagdiin sa dating mambabatas.

Una ng nagpahayag ng suporta at pabati ang ilang mga opisyal ng Simbahang Katolika sa paglaya ni De Lima na naniniwalang hindi kailanman maitatago o maikukulong ang katotohanan at katarungan na dapat na manaig sa lipunan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 5,398 total views

 5,398 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 36,537 total views

 36,537 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 42,124 total views

 42,124 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 47,640 total views

 47,640 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 58,761 total views

 58,761 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

 4,809 total views

 4,809 total views Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga. Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Donation drive, inilunsad ng Bicol university

 5,254 total views

 5,254 total views Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 5,725 total views

 5,725 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

 5,583 total views

 5,583 total views Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan,

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 7,005 total views

 7,005 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 8,957 total views

 8,957 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

 7,586 total views

 7,586 total views Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa. Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

 7,858 total views

 7,858 total views Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto. Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 8,305 total views

 8,305 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

 8,454 total views

 8,454 total views Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon. Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 9,070 total views

 9,070 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 9,656 total views

 9,656 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 9,764 total views

 9,764 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 12,057 total views

 12,057 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 11,593 total views

 11,593 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top