Kalayaan mula sa pang-aapi

SHARE THE TRUTH

 67,868 total views

Mga Kapanalig, Happy Independence Day!

Mahigit isandaang taon na mula nang nakalaya ang Pilipinas mula sa pagsakop ng mga Kastila. Halos walumpung taon na rin nang tayo ay tuluyang naging bansa na malaya mula sa pagkakagapos ng mga banyaga. Pero taun-taon, tuwing sasapit ang Araw ng Kalayaan, lagi nating itinatanong: masasabi ba nating tunay na malaya ang Pilipinas?

Nitong mga nakaraang buwan, patuloy ang pambu-bully at pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (o WPS). Noong Mayo, inagaw at itinapon sa dagat ng Chinese Coast Guard ang mga food supplies na para sana sa mga sundalong nakaistasyon sa WPS. Ipinatigil din nila ang medical evacuation ng mga sundalong may sakit. Ilang araw makalipas nito, gumamit ang Chinese Coast Guard ng water cannon upang paalisin ang mga mangingisdang Pilipino sa WPS.

Ngayong buwan din magsisimula ang pagpapahintulot ng gobyernong China sa Chinese Coast Guard na mag-detain ng mga pinaghihinalaan nilang nag-trespass sa kanilang border. Kung mangyayari ito, kahit ang mga mangingisdang nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ay maaaring hulihin at iditene ng China.

Isa sa mga paraang ginagawa ng Pilipinas para protektahan ang karapatan nito sa WPS ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng trilateral cooperation kasama ang US at Japan. Sa isang banda, nakatutulong at nakalalakas sa ating kapasidad ang pakakaroon ng mga kakampi o allies. Sa kabilang banda, hindi maaalis ang posibilidad na kontrolin ng ating mga allies ang sitwasyon upang pumabor sa kanilang mga interes.

Gayunpaman, sa talumpati ni Pangulong BBM kamakailan, sinabi niyang hindi papayag ang Pilipinas na tanggalin ng ibang bansa, lalo na ang mga may pansariling interes, ang kalayaan nating magdesisyon. Dagdag pa niya, “it’s never a choice between US and China” dahil parehas mahalaga ang mga bansang ito upang magkaroon ng stability sa ating rehiyon. Huwag sanang umabot sa puntong ang Pilipinas at tayong mga mamamayan ang maipit sa tunggalian ng China at ng ating mga allies, na hindi na lamang tungkol sa WPS kundi sa mga interes na nila. Sabi nga sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ang pagpapabuti sa sarili ng isang bansa ay hindi dapat gawin sa paraang maaapi ang ibang bansa.

Ibalik natin ang tanong kanina: tunay nga bang malaya ang Pilipinas ngayon?

Kung titingnan, hindi naman na tayo sakop ng ibang bansa, gaya ng nangyari noon. Nakapagdedesisyon din tayo nang malaya ngayon para sa ikabubuti ng ating bansa. Ngunit ang dating pagsakop sa ating bansa ng mga banyaga ay maaaring maihalintulad sa nararanasan natin sa WPS. Hindi malayang nakapaghahanapbuhay ang ating mga kababayang mangingisda sa sarili nating karagatan dahil itinataboy sila ng mga banyaga. 

Mga Kapanalig, gaya ng sabi sa 1 Corinto 6:12, kahit “malaya [tayong] gumawa ng kahit ano,” huwag sanang “magpapaalipin sa anumang bagay” ang ating bansa. Oo, malaya tayo, sa paraang kaya pa natin gumawa ng kahit ano, pero may mga kababayan tayong kinakawawa at parang mga dayuhan pa nga sa ating sariling karagatan. Pansinin  sana ng gobyerno ngayon pa lang ang kawalan ng kalayaan ng ating mga kababayang nasa WPS.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 4,081 total views

 4,081 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 23,053 total views

 23,053 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 55,718 total views

 55,718 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 60,834 total views

 60,834 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 102,906 total views

 102,906 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

BICAM OPEN TO PUBLIC

 4,082 total views

 4,082 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 23,054 total views

 23,054 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 55,719 total views

 55,719 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 60,835 total views

 60,835 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 102,907 total views

 102,907 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 114,853 total views

 114,853 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 116,782 total views

 116,782 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 125,891 total views

 125,891 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 110,055 total views

 110,055 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 129,160 total views

 129,160 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »
Scroll to Top