1,887 total views
Ipinanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang kaligtasan ng 150-libong Overseas Filipino Workers sa Taiwan.
Umaasa si CBCP-ECMI Vice-chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na isaalang-alang ng China at Taiwan ang kapakanan ng mga O-F-W na pagtatrabaho para sa pamilya sa Pilipinas ang prayoridad.
“Our OFWs migrated for the worthy and noble cause to help, to uplift and to improve the life and future of their family, that is one and only reason they are willing to work abroad, thus, receiving countries should not be worried about them, for they will never be involved in the internal political affairs of their host countries, and this is always, we at CBCP-ECMI remind them,” ayon sa mensaheng ipindala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Panalangin din ni Bishop Santos na maintindihan ng dalawang bansa na kailanman ay hindi makikialam ang mga O-F-W sa anumang usaping politikal at sigalot sa dalawang host countries.
Ito ang mensahe ng Obispo sa pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian na dapat alalahanin ng Pilipinas ang kapakanan ng mga OFW at manindigan laban Taiwan.
Sa programang Veritas Pilipinas, mariing tinutulan ni Professor Jay Batongbacal, director ng University of the Philippines College of Maritime Law ang pahayag ni Ambassador Xilian.
“Sa ngayon yung democratic states ay talagang pinipilit manindigan, sana hindi ito gawin ng China although hindi sila nanghihimasok still ayaw nila na magkaroon ng gulo dito sa rehiyon natin dahil nga malaki talaga yung implikasyon na hindi lang sila magiging apektado diyan kundi marami ding ibang bansa,” pahayag sa Veritas Pilipinas ni Batongbacal
Sa datos ng pamahalaan, umaabot sa 36.14-bilyong dolyar ang pangkalahatang OFW remmitance noong taong 2022.