1,885 total views
Mahigit P64-milyong ang nakalaang pondo sa isasagawang proyekto ng pagpapalawig at pagpapaganda ng mga daanan ng bisikleta, at pedestrian at transport stops ng mga pampublikong sasakyan sa Intramuros sa Manila.
Sa panayam ng Radyo Veritas kay Eldon Joshua Dionisio program manager ng Department of Transportation (DoTr), ang pagpapalawig ng imprastraktura ay isa sa mga proyekto na isinasagawa ng tanggapan bilang pagtiyak sa kaligtasan ng mamamayan.
“For this year po we plan to expand the active transport infrastructure sa bike lanes, pedestrian walkways, and public transport stops including po ‘yung wall city na kung tawagin po ay Intramuros,” ayon kay Dionosio.
Humigit-kumulang 9.6 kilometro ng bike lane at pedestrian walkways na may accessibility ramps, at apat na public utility vehicle (PUV) ang ipatatayo ng tanggapan sa huling bahagi ng taon.
Naniniwala si Dionisio na ang hakbang ay maaring makabawas sa polusyon gayundin ang pagsisikip ng lansangan dulot ng mga sasakyan.
“For the overall benefits we have the multi sectoral benefits natin kasi when pag-present po nung bike lanes inside the area we will be promoting and encouraging the use of active transport and with that mababawasan po yung air pollution and ma encourage po natin yung mga tao na hindi na po magdala ng sasakyan and in effect po nababawasan yung traffic,” dagdag pa ni Dionosio.
Sa ulat may kabuuang 2,397 bicycle-related accident ang naitala sa Metro Manila ayon sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA), noong nakaraang taon.
Mula sa bilang na ito, 645 ang nagdulot ng pinsala sa ari-arian, kung saan ang mga nasaktan sa aksidente ay umabot ng 1,719 at mga naulat na namatay ay umabot ng 33.
With News Intern: Rey Angelo Miguel Bacoy