Kalikasan, kailangang ng malasakit, sakripisyo at paninindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,385 total reads

Hindi lamang simpleng pangangalaga sa kapaligiran ang pagtatanggol sa kalikasan, kundi isang anyo ng pagkakaibigan na nangangailangan ng malasakit, sakripisyo, at paninindigan para sa buong sangnilikha.

Ito ang ibinahagi ng magkapatid na Ann at Billie Dumaliang, co-founders ng Masungi Georeserve Foundation, sa ikalawang bahagi ng Heart-to-Heart Talk sa unang araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), na pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-prefect ng Dicastery for Evangelization.

Ibinahagi ng magkapatid ang kanilang personal na ugnayan sa Masungi Georeserve sa Rizal—isang conservation area na bahagi ng Upper Marikina Watershed sa Sierra Madre na kilala sa natatanging limestone formations, kagubatan, at mayamang biodiversity.

Ayon kay Billie Dumaliang, Advocacy Director ng institusyon, bata pa lamang sila ay itinuro na sa kanila ng kanilang mga magulang ang kahalagahan ng kalikasan at ang responsibilidad ng tao na pangalagaan ang sangnilikha.

“Kahit nung bata pa po kami, dinadala nila kami doon on the weekends. At ‘yung mga activities na ginagawa namin, halimbawa po may gifts sa Christmas, ang nare-receive po namin hindi Barbie dolls kundi gardening tools,” ayon kay Billie.

Sinabi ni Billie na ang karanasang ito ang humubog sa kanilang pananaw na ang kalikasan ay hindi lamang isang lugar na pinupuntahan, kundi isang buhay na ugnayan na nangangailangan ng pagmamahal at pangangalaga.

Para naman kay Ann Dumaliang, Managing Trustee ng Masungi Georeserve Foundation, ang kanilang pagtatanggol sa kalikasan ay nagmula sa malalim na ugnayan na maituturing na isang relasyon sa pamilya.

“Kung tatanungin niyo ako, ano siya sa buhay ko? Little brother ko ‘yan. At kung may ganoong level ng relasyon sa isang lugar o isang tao, ‘yung panawagan sa iyo hindi lang kilalanin siya, pero ipaglaban siya kahit na mahirap,” saad ni Ann.

Binigyang-diin ni Ann na ipinakita ng karanasan sa Masungi kung paano magkaugnay ang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng tao, lalo na matapos nilang masaksihan ang pagbabago ng lugar mula sa dating sirang lupain tungo sa isang umuusbong na kagubatan.

Dagdag niya, higit nilang naunawaan sa proseso ng restoration na ang bawat anyo ng buhay ay may gampanin sa kabuuan ng sangnilikha at ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi hiwalay sa pangangalaga sa sangkatauhan.

“Makikita mo talaga na ‘yung pangangalaga ng kalikasan, pangangalaga ng tao. Hindi siya magkahiwalay dahil nasa loob tayo ng kalikasan,” dagdag ni Ann.

Samantala, binigyang-diin naman ni Cardinal Tagle na ang pagkakaibigan sa kalikasan ay nagsisimula sa pagkilala rito bilang isang handog mula sa Diyos at hindi lamang isang bagay na maaaring gamitin o pagsamantalahan.

Ayon pa sa kardinal, ang pagtingin sa kalikasan bilang nilikha at handog ng Diyos ay humahamon sa bawat isa na maging mabuting katiwala ng sangnilikha at palalimin ang pakikipagkaibigan sa Diyos, sa kapwa, at sa buong daigdig.

“If we don’t look at creation as the gift of someone greater than we are, then we can easily exploit. Kaya ‘yung stewardship, caring for creation for each other, s a response to the creator, that’s an act of friendship,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,538 total reads

 6,538 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,308 total reads

 60,308 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,673 total reads

 145,673 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,410 total reads

 192,410 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,281 total reads

 240,281 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,255 total reads

 341,255 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,074 total reads

 170,074 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top