Kalinawagan ng kamalayan, mahalaga sa paghalal ng tunay na servant leader

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 351 total views

Hinimok ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga mananampalataya na gamiting pagkakataon ang Mahal na Araw upang makapagnilay at manalangin para sa nalalapit na halalan.

Ayon kay PPCRV National Vice-Chairman for Internal Affairs Johnny Cardenas, magandang oportunidad ang Mahal na Araw upang maisabay sa pangingilin ang pananalangin para sa paggabay ng Panginoon at kaliwanagan ng kamalayan at pagpapasya sa pagpili ng karapat-dapat na ihalal sa nalalapit na Midterm Elections.

Paliwanag ni Cardenas, dapat na masusing kilatisin ng bawat isa ang mga kandidato na tunay na mamumuno sa bayan, mangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan at magbibigay solusyon sa mga suliraning panlipunan.

“Itong Holy Week magnilay, manalangin at bigyang pansin at importansya ang panalangin na sana ang mga Filipino ay makapili ng mga totoong mga leaders na siyang makakasama natin at sila ang bibigyang puder na mangalaga, maging leader, mag-manage ng ating lipunan so mahalaga na sa araw ng pangilin, tayo ay panandaliang tumigil at magnilay, manalangin isama natin sa ating pagninilay ang sana ay pumili at makapili tayo ng karapat-dapat…” pahayag ni Cardenas sa panayam sa Radyo Veritas.

Hinikayat naman ni Cardenas ang mga kandidato na sundin ang panuntunan ng Commission on Elections (COMELEC) na campaign ban sa pagsapit ng Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Giit ni Cardenas mahalagang sundin ang nasasaad sa batas na kumikilala sa pagiging sagrado ng Holy Week o Mahal na Araw upang hindi mabahiran ng politika at maipakita ang paggalang sa pananampalataya ng mga Katoliko’t Kristyano.

“Yun bang nire-recognize ng state na kilalanin ang pagiging Holy nung Holy Week kasi nasa batas yan, batas yan so binibigyan rin ng halaga ng batas yung holiness ng Holy Week na huwag masalahula ba ng usaping politika…” Dagdag pa ni Cardenas.

Kaugnay nga nito, nakapaloob sa COMELEC Resolution 10249 kung saan nakasaad ang Calendar of Activities para sa nakatakdang May 13, 2019 Midterm Elections ang Campaign Ban sa ika-18 ng Abril na Huwebes Santo at ika-19 ng Abril na siya namang Biyernes Santo.

Matatandaang ayon kay Pope Francis ang Mahal na Araw ay isang magandang pagkakataon para sa bawat isa na makapagbalik loob sa Panginoon sa pamamagitan ng paghingi ng biyaya ng kapatawaran kay Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 14,822 total views

 14,822 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 14,822 total views

 14,822 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 128,643 total views

 128,643 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 151,272 total views

 151,272 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 171,258 total views

 171,258 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 9,322 total views

 9,322 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top