39 total views
Nagagalak si Borongan Bishop Crispin Varquez sa resulta ng mga nangungunang kandidatong ibinoto ng sambayanang Pilipino.
Ayon sa Obispo, ito ay dahil ang mga nakapasok sa 12-puwesto para sa pagkasenador at sa talaan ng mga Partylist ay nagpapakita na marami sa mga Pilipino ang nagsasabuhay at naniniwalang mahalagang mailuklok ang mga kaloob ng Diyos tungo sa mabuting pagbabago.
“Happy ako dahil may pag-asa pa, mayroon pong mga binoto ang mga tao na nandiyan sa National Senator na mayroon talagang pagasa, mataas ang expectation that they will now serve the Filipino People not because of popularity, not because of sikat sila but they are doing something for the people, nandoon pa sa top yung iba,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Varquez.
Gayunpaman, nadismaya parin si Bishop Varquez sa mga resulta ng local elections kung saan marami sa mga nanalo ay napabalitang bumibili ng boto o ipinagpapatuloy ang political dynasties.
Sa kabila nito, itinuro ni Bishop Varquez na ang suliranin ng kahirapan ang dapat tutukan upang bukod sa pag-unlad ng buhay ng mga mahihirap ay magkaroon ng mas maraming botante ang Pilipinas na mayroong sapat na kaalaman hinggil sa pagpili ng mga susunod na lider ng bayan.
“Kaya frustrating ang resulta sa ground level, sa local frustrated ako, pero ganun pa man let’s be real naman na we have to move on and hoping na mababago rin ang politics sa Pilipinas,” bahagi pa ng panayam kay Bishop Varquez.
Sa huli, panalangin ni Bishop Varquez ang kamulutan ng mas maraming Pilipino upang maging matagumpay ang susunod na halalan upang maihalal ang mga kandidatong kaloob ng panginoon.
“Ako ay hopeful and I pray na magkaroon ng pangkalahatang pagka-inform ang mga Pilipino na maka-realize na we have to think for our country, to think always for the common good, then we can also create culture of honesty, culture of integrity mga pagdating sa eleksyon na yun talagang gusto ng tao, hindi ginamit ang pera, hindi ginagamit ang ibat-ibang pamimilit para manalo lang,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Varquez.