COMELEC, pinagpapaliwanag sa natuklasang discrepancy ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,489 total reads

Humingi ng paumanhin ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa pagkaantala sa pagpapalabas ng election data reports para sa 2025 National and Local Midterm Elections.

Sa pahayag ng citizen’s arm ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Martes, May 13, 2025, ibinahagi ng PPCRV ang naranasang ‘technical issues’ kagabi matapos makatanggap ng election data bandang alas-8:15 ng gabi, sa iba’t ibang file formats na nagdulot ng pagkaantala sa pagproseso ng datos.

Napansin din ng PPCRV ang hindi pagtutugma ng ‘internal count’ sa mga naunang inilabas na datos mula sa transparency server, kaya minabuting pansamantalang huwag munang maglabas ng resulta upang masuri at matiyak na tama ang mga impormasyon.

“Upon further analysis, we found that our data—though different at the time—was accurate, reflecting proper filtering of duplicate entries. We are now releasing this verified dataset,” pahayag ng PPCRV.

Napansin din na 79.9% lamang ang natanggap na election returns ng PPCRV, kumpara sa inilalabas na 98.75% transmission ng COMELEC sa public access website.

Agad namang nakikipag-ugnayan ang PPCRV sa COMELEC upang linawin ang discrepancy at umaasang agad itong matutugunan.

Paliwanag pa ng PPCRV, ang mga suliraning ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng Random Manual Audit (RMA) na maaaring matukoy kapag may insidente ng overvoting o hindi sinasadyang pagboto.

Gayundin, ang Unofficial Parallel Count (UPC) na magsasagawa ng pagkukumpara sa physical election returns at mga transmitted results upang tiyakin ang tama at tapat na bilang ng mga boto.

Nagsimula na ang auditing ng PPCRV bandang alas-10 ng umaga at umaasang magiging maayos ang resulta sa mga susunod na oras at araw.

“In the spirit of transparency and integrity, we share this explanation with the public. We remain committed to our role as a Citizen’s Arm and will continue to seek clarification and ensure public trust in the process,” ayon sa PPCRV.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 19,207 total reads

 19,207 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 106,120 total reads

 106,120 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 152,859 total reads

 152,859 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 200,731 total reads

 200,731 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 303,773 total reads

 303,773 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 168,348 total reads

 168,348 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top