Kamulatan ng mga botante sa midterm election, ikinatuwa ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,132 total reads

Nagagalak si Borongan Bishop Crispin Varquez sa resulta ng mga nangungunang kandidatong ibinoto ng sambayanang Pilipino.

Ayon sa Obispo, ito ay dahil ang mga nakapasok sa 12-puwesto para sa pagkasenador at sa talaan ng mga Partylist ay nagpapakita na marami sa mga Pilipino ang nagsasabuhay at naniniwalang mahalagang mailuklok ang mga kaloob ng Diyos tungo sa mabuting pagbabago.

“Happy ako dahil may pag-asa pa, mayroon pong mga binoto ang mga tao na nandiyan sa National Senator na mayroon talagang pagasa, mataas ang expectation that they will now serve the Filipino People not because of popularity, not because of sikat sila but they are doing something for the people, nandoon pa sa top yung iba,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Varquez.

Gayunpaman, nadismaya parin si Bishop Varquez sa mga resulta ng local elections kung saan marami sa mga nanalo ay napabalitang bumibili ng boto o ipinagpapatuloy ang political dynasties.

Sa kabila nito, itinuro ni Bishop Varquez na ang suliranin ng kahirapan ang dapat tutukan upang bukod sa pag-unlad ng buhay ng mga mahihirap ay magkaroon ng mas maraming botante ang Pilipinas na mayroong sapat na kaalaman hinggil sa pagpili ng mga susunod na lider ng bayan.

“Kaya frustrating ang resulta sa ground level, sa local frustrated ako, pero ganun pa man let’s be real naman na we have to move on and hoping na mababago rin ang politics sa Pilipinas,” bahagi pa ng panayam kay Bishop Varquez.

Sa huli, panalangin ni Bishop Varquez ang kamulutan ng mas maraming Pilipino upang maging matagumpay ang susunod na halalan upang maihalal ang mga kandidatong kaloob ng panginoon.

“Ako ay hopeful and I pray na magkaroon ng pangkalahatang pagka-inform ang mga Pilipino na maka-realize na we have to think for our country, to think always for the common good, then we can also create culture of honesty, culture of integrity mga pagdating sa eleksyon na yun talagang gusto ng tao, hindi ginamit ang pera, hindi ginagamit ang ibat-ibang pamimilit para manalo lang,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Varquez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 19,209 total reads

 19,209 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 106,122 total reads

 106,122 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 152,861 total reads

 152,861 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 200,733 total reads

 200,733 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 303,775 total reads

 303,775 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top