Kaparian, pinaalalahanan sa paggamit ng kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

 13,825 total views

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga pari lalo na ang mission directors na maging maingat sa paggamit ng kapangyarihang kaakibat sa pagtalagang tagapangasiwa sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga.

Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairperson, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pagbukas ng ika – 68 annual national assembly ng Pontifical Mission Society sa Palawan nitong June 17, 2024.

Tinuran ng opisyal na nakasisira sa pamayanan ang kapangyarihan kung ito ay inaabuso kaya’t dapat na maging mapagmatyag ang mga pari sa pagpapastol sa kanilang kawan.

“Magbantay at mag-ingat tayo. In our own way, as priests, as mission directors, we also wield power in our respective areas of assignment, in our mission area. Therefore, be careful because a sense of entitlement may also creep in slowly into our consciousness na baka hindi tayo aware to the point that we become the abuser of power. Maaring hindi tayo aware na naging abusado na rin pala tayo,” bahagi ng mensahe ni Bishop Mesiona.

Inihatag ni Bishop Mesiona na sa pag-abuso ng kapangyarihan laging nabibiktima ang mga mahihinang sektor ng lipunan tulad ng mga dukha, matatanda, kababaihan at kabataan.

Sinabi ng obispo na bilang mga katuwang ni Hesus sa pagmimisyon sa sangkatauhan ay mahalagang isabuhay ang mga aral at halimbawa ni Hesus sa pagpapastol na buong pusong ipinahahayag ang kababaang loob, matapat na puso na puno ng habag at awa.

“We need to always have a healthy fear of power, dapat magkaroon lagi tayo ng discomfort pag tayo may kapangyarihan upang macheck ang ating ugali at pakikitungo sa iba,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Ginanap ang banal na misa sa pagbukas ng pagtitipon sa St. Joseph The Husband of Mary Parish sa Puerto Princesa City na dinaluhan ng mga pari at mission directors mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

Ang Pontifical Mission Society ay worldwide network ng missionary animation and cooperation sa ilalim ng pangangasiwa ng Santo Papa kabilang na ang: Society for the Propagation of the Faith; Holy Childhood Association; Society of Saint Peter the Apostle; at Missionary Union of Priests and Religious.

Noong 1932 itinalaga ni dating Manila Archbishop Michael O’Doherty si Fr. Jose Ma. Siguion, SJ bilang kauna-unahang PMS national director ng Pilipinas habang sa kasalukuyan ito ay pinangangasiwaan ni Msgr. Esteban Lo, LRMS.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 5,541 total views

 5,541 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 24,513 total views

 24,513 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 57,178 total views

 57,178 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 62,288 total views

 62,288 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 104,360 total views

 104,360 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top