Kapayapaan, dala ni Pope Francis sa kanyang Iraq visit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 810 total reads

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagbisita sa Iraq ay upang dalhin ang kapayapaang hatid ng Panginoon sa sanlibutan.

Sa mensahe ng Santo Papa, sinabi nitong ipinabatid ng Panginoon sa mamamayan ng Iraq ang habag, awa at pag-ibig sa lahat lalo na sa mga biktima ng karahasang dulot ng digmaan at hindi pagkakasundo.

“I am coming as a pilgrim, as a penitent pilgrim, to implore from the Lord forgiveness and reconciliation after years of war and terrorism, to beg from God the consolation of hearts and the healing of wounds,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.



Ilan sa nakatakdang gawain sa Apostolic Visit ng Santo Papa sa Iraq ang pagpupulong nina Iraq President Barham Salih, Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi, mga lider ng simbahang katolika sa bansa at lider ng iba’t-ibang religious organizations.

Hangad ni Pope Francis na pagkaisahin ang mamamayan ng Iraq sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya, pananaw at tradisyong kinagisnan.

Batay sa kasaysayan sumiklab ang kaguluhang tinaguriang Second Persian Gulf War o Iraq War noong Marso 2003 hanggang 2011 sa pagitan ng Amerika at grupo ni dating Iraq President Saddam Hussein at ba pang teroristang grupo.

Ayon sa Santo Papa, dapat na manaig at maisulong ang pagkakaisa ng mamamayan upang makamtan ang kapayapaan sa lipunan.

“I am coming as a pilgrim of peace, seeking fraternity and prompted by the desire to pray together and to walk together, also with our brothers and sisters of other religious traditions, in the steps of Father Abraham, who joins in one family Muslims, Jews and Christians,” dagdag ng Santo Papa.



Ikinagalak din ni Pope Francis ang pagdalaw sa Iraq sapagkat itinuring ito ng simbahan na ‘Church of martyrs’ dahil sa pagiging saksi ng iba’t ibang uri ng karahasan dahil sa pananaw at pananampalataya ng isang indibidwal.

Bibisitahin din ng Santo Papa si Grand Ayatollah Sistani, ang kilalang Iraqi Shia marja sa Najuf, at magdiriwang ng banal na misa sa Chaldean Cathedral ng Saint Joseph.

Dadalawin din ni Pope Francis ang pangulo at prime minister ng Erbil autonomous region, mag-alay ng panalangin sa mga biktima ng digmaan sa Hosh al-Bieaa sa Mosul at sa Qaraqosh community.



Mahigit dalawang dekada ng naghintay ang kalahating milyong katoliko ng Iraq sa pagdalaw ng Santo Papa makaraang ipinagpaliban ng pangulo ng Iraq ang pagdalaw noon ni St. John Paul II dahil sa digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 10,199 total reads

 10,199 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 62,793 total reads

 62,793 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 110,665 total reads

 110,665 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 214,613 total reads

 214,613 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 300,131 total reads

 300,131 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top