Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total reads

Nagkaisa ang mga Obispo ng Western Visayas region na binubuo ng Metropolitan See of Jaro at Metropolitan See of Capiz sa pagkondena ng karahasang sinapit ng mga katutubong Tumandok sa Tapaz, Capiz bago matapos ang taong 2020.

Sa liham pastoral na nilagdaan ng mga Obispo ng Western Visayas region, kinundena ng mga lider ng Simbahang Katolika ang naganap na joint operation ng Philippine Army at Philippine National Police VI noong ika-30 ng Disyembre na nagtungo sa Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo upang maghain ng 28 search warrants sa ilalim ng Synchronized Enhanced Management of Police Operation (SEMPO) kung saan 17 katutubong Tumandok ang naaresto habang 9 naman ang nasawi.

Ayon sa mga Obispo, kaisa ng mamamayan ang Simbahan sa pananawagan ng katarungan gayundin ang pagkundina sa karahasan nagaganap sa lipunan.



Ikinadismaya ng mga Obispo ang hindi matapos-tapos na karahasan sa bansa na nagsimula sa madugong implementasyon ng War on Drugs, red-tagging sa mga kritiko ng pamahalaan partikular na sa Negros Island at pagpaslang na nagaganap sa mga katutubo sa Panay Island dahil sa pagtutol ng mga ito sa pagtatayo ng Jalaur Mega Dam.

Bilang boses ng mga naisasantabi at napagmamalupitan sa lipunan ay umapela ang mga Obispo ng Metropolitan See of Jaro at Metropolitan See of Capiz na masusing imbestigahan ang naganap na insidente sa mga katutubong Tumandok gayundin ang muling pagsusuri sa planong pagpapatayo sa Jalaur Mega Dam.

Nanawagan rin ang mga Obispo laban sa militarization na nagaganap sa mga IP Communities.

Muli ring umapela ang mga Obispo sa pagsusuot ng body camera ng mga alagad ng batas sa mga operasyon hindi lamang bilang proteksyon ng mga mamamayan laban sa karahasan at pang-aabuso ng mga alagad ng batas kundi upang magsilbi ring patunay sa tunay na naganap sa kanilang isasagawang operasyon.

Hinikayat rin ng mga Obispo ang lahat na patuloy na manalangin at maging mapagmatyag upang maprotektahan ang kapwa mula sa pang-aabuso o karahasan sa lipunan.

Binubuo ang Metropolitan See of Jaro nina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo, San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Bacolod Bishop Patricio Abella Buzon, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Kabankalan Bishop Louie Galbines habang ang Metropolitan See of Capiz naman ay binubuo nina Kalibo Bishop Jose Tala-oc, Romblon Bishop Narciso Abellana at Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula

PASTORAL-LETTER-OF-WESTERN-VISAYAS-BISHOPS-ON-TUMANDOK-KILLINGS-1-1

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 66,585 total reads

 66,585 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 170,146 total reads

 170,146 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 206,934 total reads

 206,934 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 237,509 total reads

 237,509 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 283,101 total reads

 283,101 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top