Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karapatan sa Buhay at Kalusugan

SHARE THE TRUTH

 462 total views

Kapanalig, ang kalusugan ang pundasyon ng ating buhay. Kung wala nito, hirap tayong malasap ang anumang biyayang nilalaan ng Panginoon sa atin. Kaya nakakalungkot na kahit pa isa sa batayang karapatan nating lahat ang kalusugan, hindi ito matamo ng marami nating mga mamamayan, lalo na sa mga probinsya.

Kulang kapanalig, ang mga health workers natin sa maraming lugar sa ating bayan. Noong Setyembre noong nakaraang taon, nasabi nga ng Department of Health (DOH) na kulang tayo ng mga 106,000 nurses sa buong bayan. Liban dito, kulang din ang ating mga midwives, dentista, pati ang iba ang pang mga health care professionals.

Maliban sa health care professionals, kulang din ang mga accessible na health care facilities sa bansa, lalo na sa mga probinsya. Sinasabi nga na kalahati ng mga Filipino ay walang access sa mga malalapit na health care facility, na kailangan kailangan lalo pag emergency.

Isa pa sa mga pagkukulang sa sektor ng kalusugan ay ang mga gamot  – maraming mga gamot gaya ng para sa hypertension na kailangan ng ating mga kababayan ay laging out of stock sa ibang mga health centers. Marami tayong mga kababayan, nagpupunta sa health centers para sa libreng mga gamot na ito, pero minsan, marami ang hindi nakakuha dahil out of stock.

Ang mga kakulangan na ito ay kailangang matugunan kapanalig. Hindi nararapat na marami sa ating mga kababayan ang salat sa kalusugan. Ang mga kakulangan na ito ay malalim, magkakaugnay, at nagsasanga-sanga. Para malutas ang mga suliranin na ito, kailangang iprayoridad ng pamahalaan ang kalusugan ng bayan, lalo na sa mga malalayong lugar. Kailangang maglaan ng panahon, tao, resources, at pondo, upang matugunan ang mga  pangangailangan ng mga ospital, rural health centers, mga sentro ng kalusugan, at mga komunidad sa malalayong lugar.

Bukod pa rito, kailangan pa nating bigyang suporta ang mga health professionals sa bayan. Maliban sa insentibo at sweldo, kailangan mabigyan sila ng oportunidad na mas maipabayo pa ang kanilang mga karera, at mayakag na magbigay serbisyo sa ating mga kababayan sa malalayong lugar.

Ilan lamang ito sa maaari nating gawin bilang isang bayan, kapanalig. Sana ay mabigyan ito ng panahon at atensyon para ang mga kababayan nating salat sa atensyong kalusugan ay mabigyan na ng ginhawa sa lalong madaling panahon. Ayon nga sa A Place at the Table mula sa US Conference of Bishops: Pinapa-alalahan tayo ng Catholic teachings na lahat ng tao ay may karapatan sa buhay at kalusugan.  Dapat tayong makiisa at abutin ang mga mamamayang hindi nakakamit ang batayang karapatan na ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,090 total views

 8,090 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,190 total views

 16,190 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,157 total views

 34,157 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,493 total views

 63,493 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,070 total views

 84,070 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,091 total views

 8,091 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 16,191 total views

 16,191 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,158 total views

 34,158 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,494 total views

 63,494 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 84,071 total views

 84,071 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,187 total views

 85,187 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 95,968 total views

 95,968 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,024 total views

 107,024 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 70,886 total views

 70,886 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,315 total views

 59,315 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 59,537 total views

 59,537 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,239 total views

 52,239 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 87,784 total views

 87,784 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 96,660 total views

 96,660 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 107,738 total views

 107,738 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top