Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katekista, binigyang pagkilala ng obispo

SHARE THE TRUTH

 3,943 total views

Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mahalagang tungkulin ng mga katekista sa simbahan.

Sa pagtitipon ng mga katekista ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa paggunita ng National Catechetical Month binigyang diin ni Bishop Santos na kabilang sa frontliner ng simbahan sa pagmimisyon ang mga katekista na naghuhubog sa pananampalataya lalo na sa kabataan.

“Sa inyong pagtuturo, ipinakilala ninyo ang Diyos, ipinakikita ninyo ang aral ng simbahan, ibinibigay niyo ang kakayahang mabatid, malaman at matutuhan ang tungkol sa ating pananampalataya,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Santos.

Pinuri ng obispo ang mga katekista ng diyosesis na naglingkod ng apat na dekada kasabay ng pagkatatag ng Diocese of Antipolo na katuwang sa pagbuo ng pamayanang nasasakop ng diyosesis ang buong lalawigan ng Rizal at ang lunsod ng Marikina.

“Sa ngalan po ng Diocese of Antipolo ang inyong kaparian, kami ay nagpapasalamat sa inyong paglilingkod, sa inyong pagpapakasakit at sa inyong pagmamalasakit sa amin, ang inyong ginagawa sa mga bata, ang inyong paglilingkod sa amin, ang inyong pagmamahal sa ating simbahan,” ani Bishop Santos.

Tema sa National Catechetical Month ngayong taon ang “Revitalizing the gifts of Being, Becoming, and Belonging to the Ministry of Catechist” bilang pagkilala sa mga katekista at kahalagahan ng kanilang tungkulin sa pamayanang kristiyano.

Una ng hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan lalo na ang mga magulang na magsilbing katekista sa kanilang mga anak upang mas makilala ng mga bata ang Panginoon at maagang mahubog ang pundasyon ng pananampalatayang kristiyano.

Sa pag-aaral ng National Catechetical Studies at CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education nasa humigit kumulang 50-libo lamang ang mga katekista sa buong bansa na katuwang sa paghuhubog sa mahigit 80-milyong Pilipinong katoliko.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 68,862 total views

 68,862 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 76,637 total views

 76,637 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 84,817 total views

 84,817 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,439 total views

 100,439 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,382 total views

 104,382 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top