Kawanggawa, gawing sentro ng Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 509 total reads

Seryosohin ang panahon ng paghahanda para sa Panginoon ngayong adbiyento.

Ito ang apela sa mga layko ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman – CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa nalalapit na pagsilang ng sanggol na si Hesus na siyang tagapagligtas ng sangkatauhan.

Nilinaw ng Obispo na hindi lamang personal na paghahanda ang dapat na gawin ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsisisi sa mga kasalanan, pagpi-penitensya at taimtim na pananalangin kundi dapat rin itong paghandaan bilang isang lipunan sa pagtulong sa mga nangangailangan at paninindigan laban sa mga katiwalian sa pamahalaan.

“Sana itong mga Lay faithful ay talagang seryosohin natin ang ating paghahanda, yung paghahanda natin ng personal, yung pagsisisi, ibig sabihin mas matinding panalangin at pagpi-penitensya at paghandaan din natin bilang lipunan, yung pagtulong sa kapwa at sana yung mga katiwalian na nangyayari sa ating bansa na tayo yung magsalita at hindi natin ito papayagan, so sana maging makabuluhan ang ating adbiyento para ang pasko ay maging tunay naman na panahon ng kapayapaan para sa lahat lalo na para sa mahihirap…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Hinihimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na gamitin ang panahon ng Adbiyento upang makapaghanda sa pagdating ni Hesus na siyang bugtong na anak ng Diyos.

Ayon kay Pope Francis, tulad ng paghahanda sa mga bisitang maaring dumating sa isang tahanan ay ihanda ang puso at buong pagkatao sa pagdating ni Hesus sa daigdig.

Sa Pilipinas, pinaghahandaan ang tradisyunal na Misa de Gallo o Simbang Gabi na magsisimula sa ika-16 ng Disyembre na 9 na araw na novena bilang paghahanda sa pagsilang ng Sanggol na si Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 66,680 total reads

 66,680 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,424 total reads

 145,424 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 178,871 total reads

 178,871 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,168 total reads

 214,168 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 437,953 total reads

 437,953 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top