Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kawanggawa sa kapwa, sagisag ng dakilang pag-ibig ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

 639 total views

Inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na mas umigting ang katangian ng paglilimos at pagdarasal ng mamamayan sa panahong nahaharap sa pandemya ang lipunan.

Sa homiliya ng obispo nitong Pebrero 17 o ang Miyerkules de Ceniza inihayag nitong ang pagbabahagi sa kapwa lalo na sa mga naghihikahos ay maituturing na sagisag ng paglago ng pananampalataya at pagpalaganap ng dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sambayanan.

“Sa panahong ito ng pandemya ang ating paglilimos ay nakatutulong at nagpapalakas sa ating pananampalataya ngayong kuwaresma; nagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos sa kapwa,” pagninilay ni Bishop Tobias.

Ayon pa kay Bishop Tobias na sa lenten message ng Kanyang Kabanalan Francisco binigyang koneksyon nito ang theological virtues at ang mga mahahalagang gawain ng kuwaresma.

Paliwanag ng obispo na ang pananampalataya, pag-asa at pagmamahal ay nakaugnay sa pagdadasal, pag-ayuno at paglilimos.



Sinabi ng Obispo na sa pag-aayuno ay natutuhan ng tao ang pagkontrol sa sarili halimbawa sa pagkain kung saan nakapagbabahagi pa ito sa kapwa.

Giit ni Bishop Tobias na sa pagdarasal ay nabigyan ang bawat isa ng pag-asa sa katubusang hatid ni Hesus sa Kanyang muling pagkabuhay.

“Kapag naisagawa natin ang magandang hiyas ng pagiging kristiyano, ang pag-ayuno, pagdarasal at paglilimos ay lalong umuusbong ang ating pananampalataya, pag-asa at pagmamahal tungo sa ating kapwa,” ani Bishop Tobias.

Ang Miyerkules ng abo ang simula ng apatnapung araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus na nagdudulot ng kaligtasan sa sangkatauhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 43,021 total views

 43,021 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 73,102 total views

 73,102 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 87,115 total views

 87,115 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 105,430 total views

 105,430 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 571 total views

 571 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567