Korapsyon at ang Bagong Administrasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,436 total reads

Maraming magagandang puntos ang nakaraang SONA ng Pangulong Marcos Jr.. Kaya lamang, kapansin-pansin na hindi niya nabanggit ang korapsyon. Malaking pagkukulang ito, lalo pa’t said na said ang kaban ng bayan ngayon, at said na said din ang lukbutan ng maraming mga Filipino.

Kapanalig, napakahirap pilitin na magbayad ng buwis o taasan pa ang pinapataw na buwis,  o dagdagan pa ito kung damang dama naman ng mga Filipino ang korapsyon sa maraming ahensya ng ating bayan. Ilang isyu ng korapsyon ang ipinaratang sa nagdaang administrasyon. Andyan ang pastillas scam sa Bureau of Customs, ang Pharmally case, pati ang PhilHealth scam. Hanggang ngayon, wala pa ring nababawi o tunay na nasasakdal mula sa mga corruption scandals na ito. Malaking halaga ang kaugnay ng mga isyu na ito, pera sana na mailalaan para sa mga programang makakatulong sa maraming Filipinong naghihirap dahil sa epekto ng pandemya.

Kaya’t hindi na nakakapagtaka na noong 2020 at 2021, pang 115th at 117th sa 180 na bansa ang ranggo ng Pilipinas sa Corruption Perception Index. Kapanalig, kung tunay nating nais na maiangat ang ekonomiya ng bansa, kailangan natin mawaksi ang korapsyon. Kailangan isa ito sa mga prayoridad ng pamahalaan.

Ang pagpuksa ng korapsyon sa bayan ay nagpapataas ng investor confidence sa ating bayan. Kapag malinis ang ating pamamahala, mas marami sa atin ang magtitiwala. Mas matutulungan nito makabangon ang ating ekonomiya mula sa recession. Mas maraming mga trabaho ang mailalaan para sa mga Filipino kung maibabalik natin ang tiwala ng mga mamumuhunan sa bayan.

Sa pagtanggal ng korapsyon sa bansa, hindi tayo dapat mapako sa mga personalidad. Kailangan din natin suriin ang mga sistema at praktis na nagtutulak ng korapsyon sa ating  mga ahensya at transaksyon. Kailangan natin ng mas matatag na institusyon na karapatdapat o deserving sa tiwala ng mamamayan. At sa puntong ito, walang roadmap ang pamahalaan. Ano ba ang gagawin ng kasalukuyang administrasyon upang mabalik ang tiwala ng mamamayan sa mga pinuno at institusyon ng bayan? Ano ang gagawin nito upang matanggal ang bahid ng korapsyon sa ating pamahalaan?

Ang pagsugpo ng korapsyon ay testamento ng commitment ng pamahalaan para sa tunay na panlipunang katarungan. Ang pagtugon sa korapsyon ay isang moral test sa ating pamahalaan. Ayon nga sa Rerum Novarum: Among the many and grave duties of rulers who would do their best for the people, the first and chief is to act with strict justice toward each and every class alike.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,141 total reads

 86,141 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,051 total reads

 120,051 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,350 total reads

 155,350 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,620 total reads

 381,620 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,476 total reads

 270,476 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 86,143 total reads

 86,143 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,053 total reads

 120,053 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,352 total reads

 155,352 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,622 total reads

 381,622 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top