Philippine COVID-19 vaccination certificate, kinilala ng European Union

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 753 total reads

Mas pinadali ng European Union ang pagbiyahe ng mga Pilipino sa mga bansa sa Europa.

Ito’y kasunod ng pagkilala ng EU sa COVID-19 vaccination certificate ng Pilipinas sa EU digital COVID Certificate #EUDCC system.

Ayon kay European Union Chargé d’Affaires Dr. Ana Isabel Ruiz, mahalaga ang hakbang upang mapapabilis at maging ligtas ang pagbiyahe ng mga Pilipino sa European countries.

“The European Union regards this as an important milestone in ensuring expedite and safe travel and people’s mobility,” bahagi ng pahayag ni Ruiz.

Dahil dito kikilalanin din ng Pilipinas ang vaccination certificates ng mga bansang kasapi ng European Union batay sa kanilang sariling legal order.

Mula July 29, 2022 lahat ng mga mamamayang may Philippine vaccine certificate o VaxCertPH ay maaring bumiyahe sa mga EU Member States gayundin ang mga mamamayan ng EU na may EU Digital COVID Certificate sa pagpasok ng Pilipinas.

Nagpasalamat si Ruiz sa mga ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas na nakiisa sa hakbang upang matulungan ang bawat mamamamayan sa madaling proseso ng pagbiyahe.

“We are grateful to the Department of Information and Communications Technology, Department of Health and Bureau of Quarantine for their work through the process, and to the Departments of Foreign Affairs and Tourism for their support,” ani Ruiz.

Ang Pilipinas ang ikaanim na bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinikilala ng EU sa sistema ng EU Digital COVID Certificate kasama ang Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore at Vietnam.

Sa kabuuan may 75 mga bansa na ang konektado sa EU Digital COVID Certificate system kung saan pinakahuling napabilang ang Pilipinas, Oman at Peru.

Ipinaalala naman ng European Union in the Philippines sa mga Pilipinong magtutungo sa Europa na makipag-ugnayan sa mga bansang pupuntahan upang matiyak ang maayos na pagbiyahe.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,159 total reads

 86,159 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,069 total reads

 120,069 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,368 total reads

 155,368 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,638 total reads

 381,638 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,491 total reads

 270,491 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top