Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang trabaho, tinawagang maging kasapi ng Caritas Et Labora

SHARE THE TRUTH

 785 total views

Ikakabuti at pag-unlad ng mga kasapi ang prayoridad ng Caritas Et Labora.

Binigyan ito ni Marla Hermosura – Officer In Charge at General Manager ng kooperatiba sa paggunita ng ika-15 taong anibersaryo ng kooperatiba ngayong buwan ng Hulyo.

“Patuloy na magkaroon ng puwang ang mga manggagawa sa ating bansa at mabigyan sila ng espasyo na they are really existing at they really need to value dahil ang adbokasiya ng caritas et labora makapagbigay ng trabaho hindi lang trabaho pero maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga training,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Hermosura.

Ayon kay Hermosura, patuloy ang pamamahagi ng Caritas Et Labora ng mga benepisyo at insentibo sa kanilang mga miyembro tulad birthday incentives, christmas incentives at libreng insurance program.

Tiniyak ni Hermosura ang paglago ng kooperatiba dahil sa dumadaming kumpanyang kasapi ng Caritas Et Labora at patuloy na pagdami ng mga kasaping miyembro.

Ipinapaalala naman ni Hermosura sa mga nais maging miyembro ng kooperatiba na ihanda ang sarili na maging negosyante sa pamamagitan ng loan programs na nagbibigay oportunidad sa mga kasapi na magtaguyod ng sariling negosyo at pagsisilbing ‘kamay-ari’ ng Church cooperative.

July 05 2007 ng itatag ang Caritas Et Labora sa inisyatibo ng dating Arsobispo ng Maynila na si Gaudencio Cardinal Rosales, D.D at Caritas Manila executive director Fr. Anton CT Pascual.

Mula sa unang 37-miyembro ay umaabot na sa 1,200-manggagawa ang miyembro ng kooperatiba sa Metro Manila, Cavite at Batangas.

Ang mga miyembro ay nagta-trabaho sa propesyon ng housekeeping, maintenance, back operations, constructions, logistics, disinfection, general cleaning, medical field at media.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,210 total views

 29,210 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,194 total views

 47,194 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,131 total views

 67,131 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 84,028 total views

 84,028 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,403 total views

 97,403 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top