Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangailangan sa dugo ng mahihirap na pamilya, tiniyak ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 383 total views

Matagumpay na naisagawa ng Caritas Manila ang “blood- letting campaign” noong ika-29 ng Hulyo, 2022 sa tanggapan ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa Pandacan, Manila.

132-indibidwal mula sa iba’t-ibang sektor ang nakiisa sa programa ng Caritas Manila.

Naging posible ang programa sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila sa Radio Veritas 846, Dugong-alay Dugtong Buhay, Caritas Damayan at Caritas in Action Program.

Ayon kay Maricar Farinas, Program officer ng Caritas in Action, ang blood-letting activity ay paghahanda sa pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya na nangangailangan ng libreng blood donation.

Inihayag naman ni Nat Marilag – Pangulo Dugong-alay Dugtong-Buhay na tinitiyak ng blood-letting program na mayroong sapat na suplay ng dugo ang mga pasyenteng mahihirap at higit na nangangailangan.

Ipinangako ni Marilag na ang pagliligtas ng buhay ang prayoridad ng institusyon sa tulong ng pagtatatag ng mga Dugong-alay Dugtong-Buhay outlets sa Metro Manila, Rizal Province, Abra, Baguio, Batangas at Cebu.

“Mahalagang malaman nila na ang dugo ay isa sa pinakamahalagang bagay dito sa mundo dahil ito ang natatangi na makakadugtong kaagad ng buhay sa sandali na mai-transfer ito. Itinutulong namin ito ng may kababaang loob, pangalawa mahalagang malaman din ng mga tao na ang pagbibigay namin ng libreng dugo ay nagdadagdag kasiyahan o kaligayahan sa mga taong natulungan,” pahayag sa Radio Veritas ni Marilag.

Ipinaalala din ni Dra.Dina Miranda ng San Lazaro Hospital na naging bahagi ng screening process ng mga blood donors ang mga benepisyo ng pagbabahagi ng dugo sa kalusugan.

Ayon sa Doktor, pinapababa nito ang tiyansa na magkaroon ng sakit sa puso katulad o Cardiovascular Disease.

2019 ng simulan ng Caritas Manila ang pakikipag-ugnayan sa institusyon upang matulungan ang mga pasyenteng agad na nangangailangang masalinan ng dugo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,667 total views

 6,667 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,651 total views

 24,651 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,588 total views

 44,588 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,777 total views

 61,777 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 75,152 total views

 75,152 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,686 total views

 16,686 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 33,305 total views

 33,305 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top