Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 878 total views

Kaliwa’t kanan ang mga alegasyon ngayon ng korupsyon sa ilang mga ahensya ng pamahalaan. Kapanalig, ito ay napalaking dagok lalo na sa mga kawani nito na dumaan ng maraming mga taon ng pagsasanay at pag-aaral upang iangat ang propesyonalismo sa public service.
Kapanalig, maraming mga bayani sa hanay ng gobyerno, at kadalasan, hindi sila ang mga pinuno. Ang mga public servants natin na tahimik na nagtatrabaho kahit pa walang credit o papuring tinatanggap ang siyang mga unang nagiging biktima ng korupsyon. Bumababa ang morale ng isang ahensya kapag lumalala ang korapsyon, morale na kay tagal at kayhirap nilang inaangat.
Maraming mga ahensya ng gobyerno ang dumaan sa malawakang reporma nitong mga nakaraang taon. Isa nga dito ang Civil Service Commision (CSC), ang ahensya na nangunguna sa pag-tataas ng kapasidad ng mga government employees. Ang mga reporma na ito ay masasayang kung lalawig pa ang insidente ng korupsyon. May mga ilang survey ang Asian Development Bank sa Asya na nagsasabi na ang korupsyon ay isa sa mga salik na humaharang sa economic development ng maraming mga bansa.
Ang ating bansa, kapanalig, ay rank 101 sa 175 na bansa sa Corruption Perceptions Index (CPI) nitong 2016. Pang 95 tayo noong 2015, habang noong 2014, pang 85 tayo. Unti unting bumaba ang ranking natin. Kailangan nating kumilos.
Ang patuloy na pagbaba nito ay may malaking epekto sa ekonomiya. Mababawasan ang mga mamumuhunan at maaring tumulak paalis sa mga natitira.
Mawawalan din tayo ng tiwala sa ating mga institusyon. Kung ang ating mga ahensya ay lipol ng mga mandarambong at mandaraya, saan pa tayo pupunta para sa mga regular na pampublikong serbisyo?
Nagiging kultura rin kapanalig, ang korupsyon. Kung kurap ang mga pinuno, tinuturuan din tayo nitong magkurap. Halimbawa, walang maglalangis kungdi tatanggap ng langis. Ang patuloy na paggawa nito ay nag-re-reinforce o nagpapatibay ng korupsyon dahil nagiging mutually beneficial ang mga kurap na transaksyon.
Kailangan nating iwaksi ang korapsyon sa lipunan. Malayo na sana ang ating narating. Tumaas na ang persepsyon ng international community sa patuloy na paglilinis ng korupsyon sa ating lipunan. Kung hahayaan nating lumaki pa ito uli, sayang ang ating nabubuong imahe.
Ang paglawig ng korupsyon ay paglawig din ng pagkasira ng dignidad ng tao. Halimbawa, habang kumukurap ang isang ahensya, bumababa din ang morale ng hanay nito, nawawalan ng kumpiyansa ito sa pagtugon at pagsulong sa kaganapan ng organisasyon. Ang taong unting nabubulok ng kurapsyon ay hindi rin tunay na buhay: hungkag ang kaligayahan, at hindi maabot ang kaganapan ng kanyang pagkatao. Ang pagwaksi ng korapsyon ay pagkilala ng pagmamahal ng Diyos at ng kaharian ng Diyos sa ating buhay. Ayon nga sa Gaudium et Spes: We cannot live fully in the truth unless we freely acknowledge God’s love and entrust themselves to our Creator.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Behind Closed Doors

 11,933 total views

 11,933 total views “Very suspicious”(kaduda-duda), ito ang sentimiyento ng maraming Pilipino sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa mga maanumalyang flood control

Read More »

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 27,560 total views

 27,560 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Behind closed doors?

 39,880 total views

 39,880 total views Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?   Sa ngayon, hindi

Read More »

Walang “natural disaster”

 92,457 total views

 92,457 total views Mga Kapanalig, ngayong taon, muli na namang nanguna ang Pilipinas sa World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa sa mundo. Apat na magkakasunod

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

Integridad ng ICI, pinuna ng CBCP

 7,585 total views

 7,585 total views Pinuna ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang integridad ng Independent Commission on Infrastructure  o ICI matapos ang hindi

Read More »

RELATED ARTICLES

Behind Closed Doors

 11,934 total views

 11,934 total views “Very suspicious”(kaduda-duda), ito ang sentimiyento ng maraming Pilipino sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa mga maanumalyang flood control

Read More »

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 27,561 total views

 27,561 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Behind closed doors?

 39,881 total views

 39,881 total views Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?   Sa ngayon, hindi

Read More »

Walang “natural disaster”

 92,458 total views

 92,458 total views Mga Kapanalig, ngayong taon, muli na namang nanguna ang Pilipinas sa World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa sa mundo. Apat na magkakasunod

Read More »

Dagdag na pondo para sa mga SUC

 108,984 total views

 108,984 total views Mga Kapanalig, sa isang Senate hearing tungkol sa pambansang budget para sa taong 2026, tinalakay ang pagbibigay ng dagdag na pondo sa mga

Read More »

Karapatan sa tirahan

 133,712 total views

 133,712 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Habitat Day. Layunin ng taunang pagdiriwang na ito na isulong ang karapatan ng lahat sa maayos na tirahan.

Read More »

TALO ANG MGA PILIPINO

 154,450 total views

 154,450 total views Sa nabunyag na “endemic corruption” sa flood control projects ng pamahalaan na tumagos sa kaibuturan ng puso at isip ng mga Pilipino. Ang

Read More »

AVARICE o GREED

 115,505 total views

 115,505 total views Greed (pagkagahaman), ito ay isang uri ng sakit na umiiral sa ating mga Pilipino. Ang masaklap nito, ito ay gawi na ito ay

Read More »
Scroll to Top