Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon

SHARE THE TRUTH

 2,788 total views

Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon

Mga Kapanalig, ngayon po ay World Press Freedom Day, at ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Critical Minds for Critical Times.” Nais bigyang-tuon ng UNESCO ang papel ng media sa pagsusulong ng isang lipunang mapayapa, makatarungan, at walang isinasantabi.

Sa tulong ng teknolohiya, nalampasan na nga natin ang hamon kung paano pabibilisin ang paghahatid ng balita at impormasyon. Sa pag-usad ng panahon, ang mga tradisyunal na media gaya ng diyaryo, radyo, at telebisyon ay unti-unti nang nauungusan ng mga tinatawag na alternative media katulad ng mga websites, blogs, at social networking sites. Gamit ang internet, mas madali na nating malaman ang mga nagaganap sa ating paligid ora mismo o “in real time.” Hindi na natin kailangang hintayin ang balita mamayang gabi sa TV o bukas sa diyaryo. Isang click lang sa computer o smartphone, alam na ng marami sa atin ang balita.

Ngunit mabilis din nating natatanggap ang mga balita at impormasyong mula sa mga tao o grupong nais lituhin at impluwensyahan ang pananaw ng publiko para sa kanilang sariling agenda. Dahil malinaw na binabaluktot ng mga ito ang tamang impormasyon, tinatawag ang mga balitang ito na “fake news,” mga pekeng balita. Ito ngayon ang bagong malaking hamon sa media: Paano matitiyak na tama at may batayan ang mga balita at impormasyong natatanggap ng mga tao? Mahalagang wasto ang nilalaman ng mga balita upang mahubog nga ang mga “critical minds” sa yugtong ito ng “critical times.” Ngunit dahil marami ang hindi nagagawang suriing mabuti ang mga balitang natatanggap nila at saliksikin ang mga taong nagpapalaganap ng mga ito, marami tayong mga kababayan ang naniniwala agad sa fake news. Nakababahala ito, mga Kapanalig.

May ilang ginagamit din ang katagang “fake news” para naman pasinungalingan ang mga balitang batay sa tunay na datos at malayang pananaliksik at pagsisiyasat ng mga lehitimong mamamahayag. Sinabi kamakailan ng tagapagsalita ng ating pangulo na peke ang mga ulat na nagsasabing mahigit 7,000 na ang mga namamatay bunsod ng giyera kontra droga. Dapat daw tawagin ang mga kasong ito na “death under investigation”. (Paglilinaw lamang po, mga Kapanalig, ang bilang na 7,000 ay tumutukoy sa mga biktima ng extra-judicial killings o pagpatay sa sinuman, may kinalaman man sa droga o wala. At ang malaking bilang na ito ang patuloy na ikinababagabag natin sa Simbahan at ng mga grupong nagtataguyod ng karapatang pantao.)

Panganib ang hatid ng maling impormasyon, at ang sinumang lumalahok sa pagpapalaganap ng mga ito sa tradisyunal o alternatibong media ay nagiging instrumento ng pagbabaluktot ng kung ano ang tama at bumubulag sa marami upang hayaang mamayani ang mga maling gawain.

Minsan nang pinayuhan ni Pope Francis ang mga kasapi ng media na maging maingat sa pagpili ng mga balita at impormasyong kanilang isusulat o ipalalabas. Inihalintulad niya ang labis na pagtutok ng media sa mga iskandalo at paninirang-puri, gayundin ang pagpapalaganap nila ng pekeng balita sa pagkahilig sa dumi. Ang media, sabi ng Santo Papa, ay dapat na nagpupursiging maging malinaw, maging mga institusyong walang itinatago.

Maliban sa mahalaga ang makatotohanang balita at impormasyon upang maging mas kritikal at mapanuri ang mga tao, ang media ay dapat na nagbibigay ng impormasyong naglilingkod sa kabutihan ng lahat. Itinuturo sa atin ng Simbahang, “Society has a right to information based on truth, freedom, justice, and solidarity.” At nasa balikat ng media ang pagtataguyod ng karapatang ito.

Mga Kapanalig, malaki ang papel na ginagampanan ng media sa paghubog ng opinyon at pananaw ng mga tao kaya’t mahalagang malaya itong nakakapangalap at nakapagbabahagi ng tamang balita at wastong impormasyon sa mga tao. Subaybayan at bantayan din natin ang ating media upang tiyaking ang mga tagapaghatid ng balita ay instrumento ng tunay na katotohanan, hindi ng “fake news.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,147 total views

 10,147 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,247 total views

 18,247 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,214 total views

 36,214 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,533 total views

 65,533 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,110 total views

 86,110 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,148 total views

 10,148 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 18,248 total views

 18,248 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,215 total views

 36,215 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,534 total views

 65,534 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 86,111 total views

 86,111 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,353 total views

 85,353 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,134 total views

 96,134 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,190 total views

 107,190 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,052 total views

 71,052 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,481 total views

 59,481 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 59,703 total views

 59,703 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,405 total views

 52,405 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 87,950 total views

 87,950 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 96,826 total views

 96,826 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 107,904 total views

 107,904 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top