Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

La Niña, nakaamba sa mga sinalanta ng El Niño phenomenon

SHARE THE TRUTH

 360 total views

Patuloy na naka-alalay ang Archdiocese of Cebu sa pangangailangan ng mga Parokya na apektado ng El Niño Phenomenon sa lalawigan.

Ayon kay Rev. Fr. Cha Jayme, Risk Reduction Unit head ng Caritas Cebu, patuloy silang namamahagi ng bigas sa sampung parokya na apektado ngayon ng labis na tagtuyot.

Bagamat aminado si Fr. Jayme na may ilan nang mga pag-ulan na nagaganap sa kanilang lalawigan ay hindi pa rin ito sasapat upang tuluyang makabawi ang mga apektadong residente.

Sinabi ni Father Jayme na kumikilos na rin ang Caritas Cebu upang magpatupad ng mga programa na naglalayong mas mapaghandaan at maiwasan ang labis na epekto ng tag-tuyot sa pagsasaka.

Samantala, aminado naman ang Diocese of Tagbilaran na hindi agad makakabawi ang mga magsasakang apektado ng El Niño sa lalawigan ng Bohol.

Ayon kay Fr. Felix Warli Salise, Social Action Director ng Diocese of Tagbilaran, sektor ng agrikultura ang labis na naapektuhan ng tagtuyot kaya lalong nahihirapan at lumalaki ang utang ng mga magsasaka.

Nangangamba si Fr. Salise na bagamat may mga pag-ulan nang nagaganap sa ilang bahagi ng lalawigan ay hindi pa rin ito agarang makakatugon sa pagkalugi at pagkasira ng mga pananim ng mga apektadong residente.

Umaasa din ang Pari na makatulong sa kanila ang ibang institusyon ng Simbahan sa pamamagitan ng mga programa na hindi lamang para agarang makatugon sa mga nangangailangan kundi para sa pangmatagalan at epektibong solusyon sa problema.

Magugunitang unang nagdeklara ng state of calamity sa lalawigan ng Bohol dahil sa epekto ng El Nino phenomenon.

Nabatid na umaabot sa 40-libong magsasaka mula 27-bayan ang apektado ng tagtuyot sa nasabing probinsiya.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council, malapit ng matapos ang epekto ng el nino phenomenon ngunit nakaamba naman ang la nina na siyang magdudulot ng mga pag-ulan sa huling bahagi ng taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 13,308 total views

 13,308 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 87,609 total views

 87,609 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 143,365 total views

 143,365 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 104,293 total views

 104,293 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 105,403 total views

 105,403 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 8,354 total views

 8,354 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 35,557 total views

 35,557 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 48,849 total views

 48,849 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
1234567