Lahat ng banal na misa sa Archdiocese of Cebu, ilalaan sa mga matatanda sa July 25

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total views

Ilalaan ng mga parokya ng Archdiocese ng Cebu ang mga banal na misa sa July 25 para sa mga nakatatanda. Ito ay pakikiisa ng arkidiyosesis sa kauna-unahang pagdiriwang ng World Day of Grand Parents and the Elderly na unang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Sa liturgical text na inilabas ni Fr. Glenn Guanzon, Director ng Commission on Worship ng Cebu hinimok nito ang komunidad na makiisa sa paggawa ng hakbang upang personal na makabahagi sa banal na misa ang nakatatanda sa pamayanan.

“To encourage the presence of older people at Mass, members of the community can be involved in organizing transport for those who are unable to get there independently,” bahagi ng panuntunan ng archdiocese.

Sa banal na pagdiriwang pinahihintulutan ang mga nakababatang kasapi ng parokya o komunidad na ibahagi sa nakatatanda ang mensahe ni Pope Francis sa pagdiriwang ng Araw ng mga Lolo at Lola at mga nakatatanda.

Ang pagdiriwang ay kasabay ng paggunita sa kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana na mga magulang ng Mahal na Birheng Maria.

Tiniyak din ng archdiocese ang pagpapalawig sa pagdiriwang ng banal na misa sa mga pagamutan at tahanang nangangalaga sa mga matatanda.

“On 25 July and on the days immediately preceding and following it, liturgical celebrations for World Day could take place in hospitals and homes for the elderly. Where possible and in accordance with health regulations, members of the parish should be involved so that the Masses may be well animated,” dagdag pa ng arkidiyosesis.

Naglabas na rin ng angkop na panalangin ang arkidiyosesis na isinalin sa ingles at cebuano na babasahin sa loob ng banal na pagdiriwang gayundin ang panalangin ng bayan na tugma sa pandaigdigang pagdiriwang.

Matatandaang inanunsyo ng Apostolic Penitentiary ng Vatican sa pamamagitan ng isang Decree ang paggawad ng Plenary Indulgence sa pagdiriwang ng World Day for Grandparents and the Elderly.

Upang makatanggap nito makibahagi lamang sa banal na misa para sa selebrasyon habang ang hindi makadadalo ng pisikal dahil sa kasalukuyang restrictions maaring makiisa sa banal na pagidiriwang sa online, makinig sa radyo at manuod sa telebisyon. Ilalaan din ng arkidiyosesis sa mga programa para sa nakatatanda ang malilikom sa nasabing araw.

“The collection from the Masses for this World Day can be dedicated to supporting projects to help poor elderly people in the community,” dagdag pa ni Fr. Guanzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 90,419 total views

 90,419 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 120,642 total views

 120,642 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 147,291 total views

 147,291 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 242,264 total views

 242,264 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 257,335 total views

 257,335 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top