Legacy ni Cardinal Santos, kinilala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total reads

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang banal na misa ng paggunita sa ika-45 taong pagkamatay ni Cardinal Rufino J. Santos at pag-tataas ng Galero ng yumaong Kardinal sa Manila Cathedral noong ika-3 ng Septyembre, 2018.

Sa banal na misa, sinariwa ng Kardinal ang magagandang biyaya na iniambag ni Kardinal Santos sa Simbahang Katolika ng Pilipinas lalo na sa hindi nito matatawarang paglilingkod sa Arkidiyosesis ng Maynila at sa muling pagbubuo ng Manila Cathedral noong 1958 matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Ayon kay Kardinal Tagle, isang pambihirang biyaya ng Pangioon si Kardinal Santos dahil sa matapat nitong paglilingkod sa simbahan at sa labis nitong pagmamahal sa Panginoon.

Ito ang naging dahilan upang matagumpay na naitatag ni Cardinal Santos ang napakaraming institusyon ng Simbahan tulad ng Our Lady of Guadalupe Minor Seminary, Cardinal Santos Memorial Hospital, Caritas Manila at ang Radyo Veritas.

“But remember the times everything was in ruins and you have to build again. He must have trusted the Lord so much, he must have known that it was not his gifts and God’s mighty hands at work and we are just stewards. But what an enterprising industrious steward he was.” Bahagi ng homiliya ni Kardinal Tagle.

Dahil dito, hinamon ni Kardinal Tagle ang mga mananampalataya na patuloy na suportahan ang iba’t-ibang mga institusyon at iba pang mga proyektong pinasimulan ni Kardinal Santos.

Umaasa si Kardinal Tagle na mabubuksan ang bawat puso ng mga mananampalataya sa Panginoong nagkakaloob ng napakaraming biyaya, sa lahat ng nagmamahal at naglilingkod sa kanya.

Si Cardinal Rufino J. Santos ang unang Filipino na ginawang Kardinal.

Siya ay naging Arsobispo ng Maynila simula 1953, noong panahong bumubangon pa lamang ang Pilipinas mula sa giyera.

Itinaas din ang pulang galero ni Cardinal Santos na pinalamutian ng mga tassels o mga palawit na nakasabit sa sombrero.

Dati itong ibinibigay sa mga Cardinal bilang isang simbolo ng responsibilidad na iniaatang sa kanila ng pamunuan ng simbahan.

Ang pulang kulay ng galero ay simbolo na ang kardinal ay posisyon ng paglilingkod na kaakibat ang kahandaang mag-alay ng dugo at buhay bilang pagsunod kay Hesukristo.

Bagamat itinigil na ang paggamit at pagbibigay ng galero sa mga kardinal noong 1969, nananatili pa rin ang tradisyon ng pagtataas nito upang alalahanin ang isang kardinal na yumao.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,832 total reads

 76,832 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,635 total reads

 171,635 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,903 total reads

 215,903 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,012 total reads

 239,012 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,691 total reads

 310,691 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 32,840 total reads

 32,840 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 25,745 total reads

 25,745 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top