Matutong magtipid

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 522 total reads

Ito ang panawagan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa naitalang mataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ayon sa Obispo, mahalagang matutuhan ng tao ang pagtitipid lalo na sa mga bagay na hindi kinakailangan tulad ng bisyo at pagkahilig sa mga materyal na bagay.

“Matuto tayong magtipid alam natin na tumataas na ang presyo kaya sana magtipid tayo sa mga bagay na hindi naman kailangan.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Payo ng Obispo na makatutulong sa tao ang pagkontrol sa mga gastusin at dapat isaalang-alang ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, 6.4 porsiyento ang inflation rate sa bansa mas mataas kumpara sa 5.7 porsiyento noong Hulyo.

Babilang sa mga nangunguna sa pagtaas ng presyo ang mga produktong pang-agrikultura tulad ng palay.

SURIIN ANG UGAT

Nanawagan naman si Bishop Pabillo sa pamahalaan na suriin ang pinakaugat ng suliranin upang matukoy at makapagpatupad ng mga hakbang na masolusyunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Patuloy tayong manawagan sa pamahalaan na ayusin itong mga [suliranin] ano ba ang naging dahilan, manawagan tayo sa mga namamahala na ayusin ang pamamahala nila kasi hirap na yung mga tao.” panawagan ng Obispo.

Pinayuhan ng Obispo ang pamahalaan na tingnan kung nakadadagdag ba ang pagpapataw ng buwis sa mga produkto lalo na sa langis kaya’t ito ay tumataas.

Hinimok din ni Bishop Pabillo ang pamahalaan na ipamahagi ang ipinangakong tulong pinansyal sa sampung milyong mahihirap na pamilya sa bansa na labis naapektuhan sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

KAUNLARAN NG BANSA AYON SA TURO NG SIMBAHAN
Binigyang diin ng Obispo na bahagi ng turo ng Simbahang Katolika ang pag-unlad ng isang Komunidad.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang pag-unlad ng Bansa ay hindi lamang nangangahulugan ng pag-unlad sa Ekonomiya kundi mas higit ang pag-unlad sa pagkatao ng mamamayan.

“Kailangan ng development ng Bansa pero ang sinabi ng Simbahan sa pag-unlad ibig sabihin ang pag-unlad ng buong pagkatao natin at pag unlad ng lahat ng tao.” pahayag ng Obispo

Inihayag ng Obispo na kaakibat ng pag-unlad sa ekonomiya ay ang pag-unlad sa moralidad, ispirituwalidad at pangkaisipan na higit makatutulong sa pagkakaroon ng malagong Ekonomiya.

Panawagan ng Simbahang Katolika na dapat paglingkuran ng Ekonomiya ang tao at ang kapakanan ng bawat mamamayan na ayon sa dignidad ng tao.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 5,185 total reads

 5,185 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 7,513 total reads

 7,513 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 24,778 total reads

 24,778 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 69,362 total reads

 69,362 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 163,587 total reads

 163,587 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 224,075 total reads

 224,075 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 237,983 total reads

 237,983 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 317,053 total reads

 317,053 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 24,779 total reads

 24,779 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top