Living Laudato Si-Philippines, makikibahagi online Francesco Economics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 808 total reads

Tiniyak ng Living Laudato Si Philippines ang pakikiisa sa paggunita ng Economy of Francesco (EOF) sa Setyembre.

Ayon kay Rodne Galicha-executive director ng Living Laudato Si Philippines, ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa sa huling linggo ng Setyembre, kabilang na ang pagtitipon ng mga kabataan, economic leaders at expert upang talakayin ang Francesco economics.

“Magkikita-kita rin sa iba’t ibang platforms ang mga Pilipinong naging aktibo sa Economy of Francesco upang pag-aralan at pagkilusan ang kasalukuyang mga hamon sa environmental sustainability dito sa ating bansa,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Galicha sa Radio Veritas.

Ang talakayan ay gaganapin sa pamamagitan ng Zoom Conference na maaring matunghayan sa official Facebook page ng Living Laudato Si Philippines.

Pangunahing layunin ng pagtitipon na ipaalam sa publiko ang mga suliranin ng pamayanan at nararanasang paniniil ng malalaking korporasyon na nakakasira pa sa mga likas na yaman ng Pilipinasa.

“Bibigyang diin rin ang kahalagahan ng komunikasyon lalung-lalo na ang mga kuwento ng mga pamayanang lubos na nagdurusa dulot ng mga negosyo’t industriyang sinisira ang likas na yamang pinagkukunan ng kabuhayan,” ayon pa sa mensahe ni Galicha sa Radio Veritas.

Ang Francesco economics ay pandaigdigang inisyatibo na nilikha sa pangunguna ng Italian Economist na si Luigino Bruni.

Taong 2019 nang manawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga kabataan at economic leaders sa buong mundo na lumikha ng bagong paraan nang hindi nakatuon sa ‘kita’, sa halip ay pagbibigay halaga sa mga nangangailangan at sa kalikasan.

Ngayong taon, September 22-24 ay isasagawa ang kauna-unahang face-to-face conference sa Assisi Italy matapos ang dalawang taon pagdaraos online dahil sa banta ng COVID-19.

Sa huling araw ay inaasahan ang pagdalo ni Pope Francis upang makipag-diyalogo sa mga kinatawan ng mahigit 100-bansa delegado ng pagtitipon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 74,967 total reads

 74,967 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,875 total reads

 109,875 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,175 total reads

 145,175 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 371,444 total reads

 371,444 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 260,760 total reads

 260,760 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top