Lumalalang epekto ng climate crisis, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,457 total reads

Nagpaalala si Fr. Marlito Ocon, SJ, head chaplain ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH), hinggil sa lumalalang epekto ng krisis sa klima matapos muling bahain ang paligid ng ospital noong hatinggabi ng June 8.

Sa isang post sa social media, ibinahagi ni Fr. Ocon ang kanyang pagkabigla at pagkadismaya sa muling pagbaha sa loob ng compound ng PGH, sa kabila ng mga linggong taglay ang matinding init ng panahon.

Iginiit ng pari na hindi simpleng usapin ng masamang panahon ang pangyayari, kundi malinaw na senyales ng patuloy na lumalalang pagbabago ng klima at ng kakulangan ng agarang tugon mula sa pamahalaan.“PGH grounds at 12:00 midnight, baha na naman. Nasaan na ang flood control projects? Ang init-init, as in init ng panahon sa loob ng mga nakaraang linggo, tapos bigla na lang bumaha. This pattern of extremes—searing heat followed by sudden deluge—leaves people in a constant state of crisis. Vulnerable populations suffer the most, trapped in a cycle of displacement, loss, and rebuilding with little support,” pahayag ni Fr. Ocon.

Ayon pa sa paring Heswita, na ang ganitong mga sitwasyon ay patuloy lamang na magpapalala ng kalagayan ng mga mahihirap at mahihinang sektor kung hindi agad kikilos ang pamahalaan at ang sambayanan upang tugunan ang sanhi ng climate crisis.

Muling binigyang-diin ni Fr. Ocon ang pangangailangang pabilisin ang pagpapatupad ng flood control projects at mga hakbang para sa climate adaptation at resilience, lalo na sa mga pampublikong ospital at pasilidad na kritikal sa panahon ng sakuna.

“This is not just bad weather—it is a symptom of a changing climate and our failure to address the problem. This crisis is growing more dangerous each year. Without urgent action, these extremes will only intensify, deepening the suffering of those already on the edge,” ayon kay Fr. Ocon.

June 2 nang opisyal na ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa, kung saan tinatayang nasa 11 hanggang 19 bagyo ang inaasahang mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility mula Hunyo hanggang Nobyembre.

Samantala, ginugunita rin ngayong Hunyo ang 37th Philippine Environment Month na may temang “Ending Global Plastic Pollution,” na layong paigtingin ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga ng kalikasan, kabilang ang pag-iwas sa paggamit ng plastic na isa sa mga pangunahing sanhi ng pagbaha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,372 total reads

 56,372 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,669 total reads

 135,669 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,114 total reads

 169,114 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,412 total reads

 204,412 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,672 total reads

 428,672 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,174 total reads

 157,174 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top