VeritasPH

The Word, The Truth

Maayos, malinis, at tapat na pamamahala

SHARE THE TRUTH

 234 total views

Mga Kapanalig, Agosto noong nakaraang taon nang pumutok ang kontrobersya sa Philippine Health Insurance Corporation (o PhilHealth) matapos lumutang ang isang whistleblower na nagsabing umabot sa 15 bilyong piso ang nawala sa ahensya dahil sa katiwalian. Nakalaan ang pondong iyon para sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya, ngunit napunta raw sa mga ospital na wala pa noong tinatanggap na kaso ng COVID-19 at sa mga dialysis clinics at paanakan. Malaking bahagi rin ng pondo ang sinasabing ipinambayad sa overpriced na COVID-19 testing kits. Noong buwan ding iyon, nagbitiw ang presidente at CEO ng PhilHealth na si Ricardo Morales. Hanggang ngayon, sinisikap ng PhilHealth na tuntunin ang mga papeles na magpapatunay kung saan talaga napunta ang pondo.

Ngunit may mas malaki pa palang halaga ang pinangangambahang nawaldas. Noong nakaraang linggo, nasilip ng Commission on Audit (o COA) ang ilang butas sa pangangasiwa ng Department of Health (o DOH) sa COVID-19 funds na nagkakahalaga ng mahigit 67 bilyong piso. Bigô raw ang DOH sa pagsunod sa mga regulasyon at sa pagpapatunay na wastong nagamit ang pondo nito. Halimbawa, may mga binili ang DOH na nagkakahalaga ng mahigit limang bilyong piso, ngunit kulang ang mga ito ng dokumentasyon. Napag-alaman ding aabot sa mahigit 95 milyong piso ang halaga ng mga gamot na binili ng DOH pero malapit nang ma-expire o expired na. Namigay din ang kagawaran ng cash allowances, gift certificates, at grocery items na nagkakahalaga ng 275 milyong piso, ngunit wala namang legal na basehan ang mga gastusing ito. Sa isang pahayag, tiniyak ni DOH Secretary Francisco Duque na buo ang pondong ipinagkatiwala sa kagawaran. Wala raw kinurakot, at nagamit daw ang 67 bilyong piso sa mga pinaglaanan nito.


Ngayong patuloy ang pagdaming muli ng kaso ng COVID-19 sa bansa at nasa ilalim na naman ng lockdown ang mga pangunahing lungsod at ilang probinsya sa bansa, talaga namang nakakapanghina ng loob ang mga ganitong balita tungkol sa diumano’y hindi maayos na paggamit ng ating buwis. Mabagal pa rin ang pagbabakuna. Wala pa ring matatawag na mass testing at agresibong contact tracing. Pagod na pagod na ang ating mga health frontliners na kakarampot lamang ang natatanggap na sahod at hazard pay. Punung-puno na ang mga ospital at hindi na makatanggap ng mga pasyente. Marami ang nawalan na naman ng trabaho, nagugutom, at muling umaasa sa maliit na ayuda ng pamahalaan. Hindi na nakapagtataka kung bakit kulelat tayo pagdating sa tinatawag na resilience sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya. Pang-52 tayo sa 53 bansa sa COVID Resilience Ranking ng kompanyang Bloomberg batay na rin sa bahagdan ng mga taong nababakunahan, tindi ng ipinatutupad na lockdown, bilang ng kaso ng mga nagpopositibo, at iba pa.

Totoong kailangang-kailangan ng ating pamahalaan ang kooperasyon ng mga mamamayan sa mga panahon ng krisis katulad ng nararanasan natin ngayon. Ngunit dapat din nating asahan ang ating mga pinunong mamahala nang maayos, malinis, at matapat. Ang mga lider ng pamahalaan, katulad ng sinasabi sa Ebanghelyo ni San Lucas 12:48, ay “binigyan ng maraming bagay” kaya’t sila’y “hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.” Pinagkatiwalaan natin ang mga nasa pamahalaang pangasiwaan ang kaban ng bayan kaya’t dapat lamang nating papanagutin sila kapag hindi maayos ang kanilang trabaho bilang mga lingkod-bayan.

Mga Kapanalig, minsang ipinaalala ni Pope Francis: nangangahulugan din ang pamumuno na gumawa ng pinakamakatarungang desisyon matapos isaalang-alang ang lahat ng mga pagpipilian mula sa pananaw ng personal na responsibilidad at pagtiyak sa kabutihang panlahat. Nakikita ba natin ang ganitong pamumuno sa kasalukuyan nating mga lider sa gitna ng panibagong kontrobersya sa DOH?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 3,252 total views

 3,252 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 9,009 total views

 9,009 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 16,272 total views

 16,272 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 24,257 total views

 24,257 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,793 total views

 31,793 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 3,253 total views

 3,253 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 9,010 total views

 9,010 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 16,273 total views

 16,273 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 24,258 total views

 24,258 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 31,794 total views

 31,794 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,750 total views

 46,750 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,792 total views

 54,792 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,349 total views

 46,349 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,774 total views

 44,774 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,560 total views

 46,560 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,485 total views

 43,485 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,799 total views

 57,799 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,489 total views

 61,489 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,092 total views

 60,092 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,079 total views

 70,079 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top