Mababang pasahod sa mga nurse sa Pilipinas, pangunahing dahilan ng ‘shortage’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,221 total reads

Itaas ang kalagayan at sahod ng mga nurse sa Pilipinas.

Ito ang patuloy na panawagan ng grupo ng mga nurse sa bansa kaugnay na rin sa laki ng kakulangan ng mga nurse sa medical institution sa bansa, pampubliko man o pribado.

Ayon kay Maristela Abenojar-vice president ng Filipino Nurses United (FNU) ang kakulangan ay hindi lamang sa kakaunting nurses sa bansa, kundi kabilang na ang pangingibang bayan ng mga nurse at ‘yaong nagtatrabaho sa ibang larangan tulad ng business processing operations (BPO) o call centers.

“Kung seryoso po ang pamahalaan na priority nila ang kalusugan ng sambayanan at tututukan nila ang kalagayan ngayon sa Health care industry ang agaran pong dapat nila itaas ay ang uh kalagayang pang ekonomiya ng ating mga manggagawang pang kalusugan gaya po ng nurses.” ayon kay Abenojar sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Sa tala, may 114 na libo ang nurse na kailangan sa Pilipinas, kung saan ngayong taon ay may 10-libo ang nakapasa sa pagsusulit.

“Ito po ay sa medical na term ang tawag po naming ay chronic understaffing ibig sabihin po matagal na po tayong kulang sa mga nurses sa mga pagamutan at ‘yon ang dapat suriin ng ating pamahalaan. Uh tingnan ‘yong ugat bakit may ano may kakulangan, ito’y dahil sa uh hindi po kaaya-aya ang pasahod na ibinibigay o ino-offer natin dito sa ating bansa.” dagdag pa ni Abenojar.

Ang Pilipinas ay may higit sa 900-libong nurses subalit kalahati lamang sa bilang ang practicing nurses kung saan ang 300-libo ay nasa ibayong dagat nagtatrabaho.

Sa pag-aaral ng grupo, higit sa 100-libo mga nurse ang tumatanggap lamang ng P537 na suweldo kada araw sa Metro Manila.

Hiling ng FNU ang pagsusulong ng P50,000 na buwanang sahod sa mga nurse maging pribado o pampubliko dahil na rin sa mataas na cost of living, pagtaas ng inflation rate na dahilan din ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 158,024 total reads

 158,024 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 230,512 total reads

 230,512 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 263,959 total reads

 263,959 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 299,257 total reads

 299,257 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 519,566 total reads

 519,566 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top