Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mabilis at patas na impeachment trial kay VP Duterte, panawagan ng Caritas Philippines sa Senado

SHARE THE TRUTH

 14,102 total views

Nanawagan ang Caritas Philippines kay Senate President Francis Escudero at sa Senado na tiyakin ang mabilis at patas na impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ang impeachment ay isang mahalagang usaping pambansa na nangangailangan ng agarang aksyon.

“Once an impeachment complaint is filed, government institutions must act swiftly and decisively,” ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, Pangulo ng Caritas Philippines.

“Delays and hesitations in the process only weaken our democratic institutions and erode public trust in governance.”

Iginiit din ng Caritas Philippines na ang mga paratang ng katiwalian, pang-aabuso sa kapangyarihan, at kapabayaan sa tungkulin ay dapat masusing imbestigahan at may parehong bigat tulad ng ibang krimen.

“Corruption is a moral and social evil that robs the people of justice and dignity,” dagdag ni Bishop Bagaforo. “Just as we seek justice in cases of violence and crime, we must be relentless in holding our leaders accountable for betraying public trust.”

Pinaalalahanan din ng Caritas Philippines na ang impeachment ay isang prosesong nakapaloob sa Konstitusyon upang mapanagot ang matataas na opisyal ng gobyerno at tiyakin ang transparency at katarungan.

Binigyang-diin din ng grupo ang pahayag ng yumaong dating Senadora Miriam Defensor-Santiago: “Impeachment is both quasi-judicial and quasi-political. It is not a civil case nor a criminal case. A criminal case is designed to punish an offender and to seek retribution. In contrast, impeachment is the first step in a process that tries to remedy a wrong in governance.”

Mula noon, nagsilbing moral compass ang Senado sa tatlong sangay ng pamahalaan, kaya’t panawagan ng Caritas Philippines sa mga senador na panindigan ang tungkuling ito.

“We need the Senate, and especially the Senate President, to embody patriotism and a true commitment to social justice,” ani Bishop Bagaforo. “The people are watching, and they deserve to see their leaders prioritize truth and accountability above political maneuvering.”

Hinikayat din ng Caritas Philippines ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay at makilahok sa prosesong ito upang matiyak na ang impeachment proceedings ay magsisilbi sa interes ng katarungan at mabuting pamamahala.

“We stand with every Filipino who seeks transparency and accountability,” ayon pa kay Bishop Bagaforo. “Now is the time for our leaders to prove that democracy works for the people, not for political convenience.”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 18,021 total views

 18,021 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 28,999 total views

 28,999 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,450 total views

 62,450 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,771 total views

 82,771 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,190 total views

 94,190 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 5,977 total views

 5,977 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top