16,234 total views
Inaprubahan ng Dicastery for Culture and Education ang pagtalaga kay Jesuit Fr. Renato Repole bilang bagong pangulo ng Loyola School of Theology.
Sa pabatid ni Provincial at LST Vice Chancellor Xavier Olin, SJ, tinanggap ng Vatican ang pagtalaga kay Fr. Repole bilang kahalili kay Fr. Enrico Eusebio Jr. na namuno sa LST mula 2019.
“I thanked Fr. (Renato) Repole for his generous availability to take on this important position of leadership in our educational apostolate, particularly in forming ministers fo the Church,” bahagi ng pahayag ni Fr. Olin.
Magiging epektibo ang panunungkulan ng bagong LST President sa May 17, 2025.
Si Fr. Repole ay ipinanganak noong December 3, 1960 sa Tangub City, Misamis Occidental.
Nang maordinahang pari nagpakadalubhasa ito sa larangan ng Sacred Scripture at Theology sa Roma kung saan nagtapos ng Licentiate in Sacred Scripture noong 1997 sa Pontifical Biblical Institute habang Doctorate in Sacred Theology naman sa Pontifical Gregorian University kung saan matagumpay ang kanyang dissertation sa Eschatology and Ethics in the Letters of St. Paul noong January 17, 2002.
Ilan sa mga tungkuling ginampanan ni Fr. Repole ang pagiging rector ng St. John Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro City, gayundin sa Arrupe International Residence at San Jose Seminary sa Quezon City.
Samantala pinasalamatan naman ni Fr. Olin si Fr. Eusebio na namuno ng anim na taon sa LST at tiniyak ang mga panalangin para sa paring may malaking tungkulin sa simbahan lalo na sa paghuhubog ng mga pastol ng simbahang katolika.(




