652 total views
Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga canon lawyers sa bansa na isabuhay ang diwa ng synodal transformation sa pagpapatupad ng mga batas ng simbahan.
Ayon sa cardinal dapat magkaroon ng pagbabago sa pang-unawa hinggil sa mga puwang at larangan sa paggabay at paggamit ng kapangyarihan sa geographical spaces o territorial boundaries.
Paliwanag ni Cardinal Advincula na bilang mga canon lawyers ay suriin din ang mga nararapat na proseso ng imbestigasyon na may pakikilahok, kooperasyon at pananagutan.
“Canon lawyers must look at the law as progressive rather than repressive, empowering rather than limiting, vivifying rather than debilitating,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advicula.
Tinuran ng arsobispo ang tema ng 31st Canon Law Society of the Philippines national convention na ‘The Church and the State: Distinct but not separate’ kung saan bagamat may pagkakaiba ay nararapat kapwa matutuhang kalugdan ang mga batas ng Panginoon tungo sa pagsusulong ng pangkabuuang kapayapaan at kapatiran sa pamayanan.
Paalala ni Cardinal Advincula sa mga kapwa canon lawyers sa pagbabalik sa kani-kanilang mga lugar bilang bunga sa tatlong araw na pagtitipon ang ‘delay not your conversion, keep salt in yourselves, at, delight in the law of the Lord.’
Binigyang diin ni Cardinal Advincula na ‘ if there is no spiritual renewal in our hearts, there will be no structural or systemic reforms in the Church or in the State.’
Dagdag ng arsobispo na bagamat mga canon lawyers at legal experts’ ng simbahan ay dapat isaisip na pangunahing tungkulin pa rin ang pagiging disipulo ni Hesus at tagapagpahayag ng mabuting balita ng Panginoon sa buong pamayanan.
Aniya bilang mga disipulo ay nararapat maging liwanag at pag-asa sa mamamayan at isabuhay ang diwa ng kabayanihan at paninindigan para sa kapakanan ng kristiyanong pamayanan.
“Distinct but not separate” means that we will not give up on our country. We will not become bystander and fence-sitters in the work of nation-building. We will not look away when moral courage is needed. We will not be afraid to speak and act on behalf of truth and justice. We will listen to the cry of the earth and the cry of the poor,” giit ni Cardinal Advincula.
Ginanap ang 3-day convention sa Novotel sa Cubao, Quezon City na dinaluhan ng mahigit 200 canon lawyers kung saan tampok ang mga panayam nina Msgr. Alejandro Wilfredo Bunge ang Prelate Auditor ng Tribunal of the Roman Rota na katumbas ng Korte Suprema ng Pilipinas, Fr. Franciszek Longchamps de Bérier ng Jagiellonian University sa Krakow, Poland, at Fr. Stefan Mückl ng Pontifical University of the Holy Cross sa Roma.
Nakibahagi rin sa tatlong araw na pagtitipon sa parallel workshops sina Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF tungkol sa Religious Life; Fr. Ranhilio Aquino sa Clerical Misconduct and Philippine Law on Obligations; Fr. Jaime Achacoso sa Lay Participation in the Tribunal Ministry; at Setting up the Tribunal: Basic Principles and Practical Consideration ni Fr. Jun Arvie Bello.
Bukod kay Fr. Aquino nagbahagi rin ng panayam sa paksang ‘Issues on Public Ecclesiastical Law in the Philippines’ sina Supreme Court Retired Justice Adolfo Azcuna, University of Santo Tomas, Dean, Faculty of Civil Law Atty. Nilo Divina at TINGOG Partylist Representative Jude Acidre.
Dumalo rin sa convention si Catarman Bishop Nolly Buco ang kasalukuyang chairperson ng Episcopal Commission on Canon Law ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias.