Maging tunay na alagad ni Kristo, apela ni Bishop Timoner sa mga deboto ng birhen ng Peñafrancia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 894 total reads

Hinimok ni Pagadian Bishop Ronald Anthony Timoner ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia na isabuhay ang pagiging tunay na alagad ni Kristo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang debosyon sa bawat taong kanilang nakakasalamuha.

Sa kanyang homiliya sa diocesan Mass sa Naga Metropolitan Cathedral noong September 19, binigyang-diin ng obispo na ang debosyon kay Maria ay dapat humantong sa pagbabahagi at pagpapalalim ng pananampalataya sa iba.

“Sana ‘yung debosyon natin ay hindi lang para sa ating mga sarili lamang. Kinakailangang maipasa natin ito sa mga anak, sa mga apo, sa ating mga kaibigan, at sa ating mga kasamahan sa trabaho dahil ito ang tunay na diwa ng pagiging deboto ni Ina. Ito ang tunay na gawain ng isang disipulo ng ating Panginoong Hesukristo,” ayon kay Bishop Timoner.

Ayon kay Bishop Timoner, na isang Bicolano, mahalagang tularan ng mga deboto si Maria bilang isang mapag-aruga at gumagabay na ina hindi lamang sa pisikal na pangangailangan kundi lalo na sa pagpapalago ng pananampalataya.

Inilahad niyang halimbawa ang paraan ng paggabay nina Maria at San Jose kay Hesus, na palaging dinadala sa templo sa Jerusalem upang lumago hindi lamang sa buhay kundi maging sa kanyang ugnayan sa Diyos Ama.

Binigyang-diin ng obispo na malaking pananagutan ng mga magulang, lolo at lola, magkakapatid, at maging ng mga magkakaibigan ang pagtulong sa isa’t isa upang higit na mapalapit kay Hesus.
Hinamon ni Bishop Timoner ang mga deboto na gawing bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay ang kanilang debosyon at hindi lamang tuwing may pagdiriwang o pagsisimba.

“Ang hamon na tayo ay manatili araw-araw. Hindi lang kapag tayo ay nagsisimba, hindi lang kapag tayo ay araw ng Linggo, saka lamang tayo matututong magdasal,” giit ni Bishop Timoner.
Paliwanag ng obispo na tulad ni Maria na nanatili sa tabi ni Hesus sa mabuti at mahirap na mga sandali, tinatawag din ang mga deboto na manatiling tapat sa Panginoon sa bawat yugto ng kanilang buhay.

Aniya, ang debosyon kay Ina ay hindi nagtatapos sa personal na panalangin, kundi nagiging daan upang mas marami pang tao ang mailapit kay Hesus.

“Tayo rin ay magsilbing mga misyonero, dahil dinadala natin palapit kay Hesus, sa tulong ni Ina, ang bawat kapwa na ating nakakasama at nakakasalamuha sa ating buhay,” saad pa ng obispo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsagawa ng diocesan mass ang isang diyosesis na hindi kabilang sa Bicol Region sapagkat si Bishop Timoner ay isang Bicolano na nagnanais na ipadama ang diwa ng pakikiisa at ilapit ang debosyon ng Birhen ng Peñafrancia sa kanyang mga kawang ipinapastol sa Southern Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 70,262 total reads

 70,262 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 89,587 total reads

 89,587 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 167,974 total reads

 167,974 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 212,284 total reads

 212,284 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 246,930 total reads

 246,930 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top