Maging tunay na alagad ni Kristo, apela ni Bishop Timoner sa mga deboto ng birhen ng Peñafrancia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,288 total reads

Hinimok ni Pagadian Bishop Ronald Anthony Timoner ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia na isabuhay ang pagiging tunay na alagad ni Kristo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang debosyon sa bawat taong kanilang nakakasalamuha.

Sa kanyang homiliya sa diocesan Mass sa Naga Metropolitan Cathedral noong September 19, binigyang-diin ng obispo na ang debosyon kay Maria ay dapat humantong sa pagbabahagi at pagpapalalim ng pananampalataya sa iba.

“Sana ‘yung debosyon natin ay hindi lang para sa ating mga sarili lamang. Kinakailangang maipasa natin ito sa mga anak, sa mga apo, sa ating mga kaibigan, at sa ating mga kasamahan sa trabaho dahil ito ang tunay na diwa ng pagiging deboto ni Ina. Ito ang tunay na gawain ng isang disipulo ng ating Panginoong Hesukristo,” ayon kay Bishop Timoner.

Ayon kay Bishop Timoner, na isang Bicolano, mahalagang tularan ng mga deboto si Maria bilang isang mapag-aruga at gumagabay na ina hindi lamang sa pisikal na pangangailangan kundi lalo na sa pagpapalago ng pananampalataya.

Inilahad niyang halimbawa ang paraan ng paggabay nina Maria at San Jose kay Hesus, na palaging dinadala sa templo sa Jerusalem upang lumago hindi lamang sa buhay kundi maging sa kanyang ugnayan sa Diyos Ama.

Binigyang-diin ng obispo na malaking pananagutan ng mga magulang, lolo at lola, magkakapatid, at maging ng mga magkakaibigan ang pagtulong sa isa’t isa upang higit na mapalapit kay Hesus.
Hinamon ni Bishop Timoner ang mga deboto na gawing bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay ang kanilang debosyon at hindi lamang tuwing may pagdiriwang o pagsisimba.

“Ang hamon na tayo ay manatili araw-araw. Hindi lang kapag tayo ay nagsisimba, hindi lang kapag tayo ay araw ng Linggo, saka lamang tayo matututong magdasal,” giit ni Bishop Timoner.
Paliwanag ng obispo na tulad ni Maria na nanatili sa tabi ni Hesus sa mabuti at mahirap na mga sandali, tinatawag din ang mga deboto na manatiling tapat sa Panginoon sa bawat yugto ng kanilang buhay.

Aniya, ang debosyon kay Ina ay hindi nagtatapos sa personal na panalangin, kundi nagiging daan upang mas marami pang tao ang mailapit kay Hesus.

“Tayo rin ay magsilbing mga misyonero, dahil dinadala natin palapit kay Hesus, sa tulong ni Ina, ang bawat kapwa na ating nakakasama at nakakasalamuha sa ating buhay,” saad pa ng obispo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsagawa ng diocesan mass ang isang diyosesis na hindi kabilang sa Bicol Region sapagkat si Bishop Timoner ay isang Bicolano na nagnanais na ipadama ang diwa ng pakikiisa at ilapit ang debosyon ng Birhen ng Peñafrancia sa kanyang mga kawang ipinapastol sa Southern Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 49,396 total reads

 49,396 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,896 total reads

 135,896 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,933 total reads

 178,933 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 228,692 total reads

 228,692 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 387,688 total reads

 387,688 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top