Maging simbahan na nakikiisa sa mga mahihirap, apela ni Bishop Baylon sa mga opisyal ng simbahang kotolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,881 total reads

Hinimok ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang Simbahan na higit na maging kapani-paniwala sa pamamagitan ng pananatili at pakikiisa sa mga taong dumaranas ng hirap, sakit at kawalan ng pag-asa, sa halip na nakatuon lamang sa mga programa at gawain ang buhay pastoral ng Simbahan.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang homiliya sa diocesan Mass sa Naga Metropolitan Cathedral noong September 19, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia.

Tinuran din ni Bishop Baylon ang pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng tatlong lokal na Simbahan sa Bicol na isang biyaya para sa mananampalataya.

Aniya, mahalagang matutuhan ng Simbahan ang paraan ng pagiging mapag-arugang ina ni Maria na nakikinig, nakikilakbay, at nananatili sa tabi ng mga tao.

“A credible church is not simply a church that speaks well. It is a church that stays with people. It stays with the poor. It stays with struggling families… It stays with those who have lost hope. It stays with those who have been hurt by the church,” ayon kay Bishop Baylon.

Binigyang-diin ng obispo na hindi sapat ang pagkakaroon ng mga programa, pastoral plans at iba pang gawain upang maging matatag ang Simbahan.

Aniya, bago ito makapagbuo ng isang matibay na Simbahan, kailangang matutuhan nitong makipagtagpo sa mga tao sa kanilang tunay na kalagayan, pakinggan ang kanilang mga kuwento, at makibahagi sa kanilang mga saya at paghihirap.m

“A church that does not merely condemn but accompanies. A church that does not merely speak about love but makes people experience love. A church that does not simply defend its credibility but lives credibly. A church that does not merely teach but indeed listens,” giit ng obispo.

Iniugnay ni Bishop Baylon ang ganitong pananaw sa pagiging synodal na Simbahan, na nangangahulugang sama-samang naglalakbay at nakikinig sa isa’t isa.

Tinuran ng obispo ang pangangailangang manatili ang Simbahan sa tabi ng mahihirap, mga pamilyang dumaranas ng suliranin, kabataan, matatanda at maysakit, mga bilanggo, mga nalululong sa droga, at maging ang mga taong nasaktan o lumayo sa Simbahan.

Paliwanag ng obispo na dito nasusukat ang kredibilidad ng Simbahan, hindi lamang sa ganda ng mga gusali, dami ng dumadalo sa mga pagdiriwang, o dami ng mga programang naisasagawa, kundi sa konkretong karanasan ng mga tao sa pagmamahal ng Diyos.

“The credibility of the church comes when people can look at us and say, because of this church, I have experienced God’s love, and I am willing to share it with others,” ayon sa obispo.
Samantala, binigyang-diin din ng obispo na ang pagiging pinagpala ng Simbahan ay hindi nagtatapos sa pagtanggap ng biyaya kundi dapat itong humahantong sa paglilingkod at misyon.
Binigyang-kahulugan niya ang jubilee theme ng Diocese of Legazpi na “Biniyayaan, inaantabayanan, sinusugo” bilang isang paanyaya sa mga mananampalataya na kilalanin ang mga biyayang kanilang tinanggap, magpasalamat sa patuloy na paggabay ng Diyos, at tumugon sa misyong ipinagkakatiwala sa kanila.

Aniya, sinusugo ang mga mananampalataya sa kanilang mga pamilya, trabaho, paaralan, komunidad, mga bukirin at karagatan, gayundin sa mga mahihirap, kabataan at mga nawalan ng pag-asa upang magdala ng pag-asa, pag-ibig, katotohanan, habag, pagkakasundo at kapayapaan.

Umaasa ang obispo na sa paggunita ng kapistahan ng patrona ng Bicolandia ay maisabuhay ng mga deboto ang mga gawi na ipinamamalas ng Mahal na Ina na patuloy lumilingap sa bawat isa at umaakay tungo sa landas ng kanyang Anak na si Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,172 total reads

 50,172 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,947 total reads

 146,947 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,216 total reads

 191,216 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,325 total reads

 214,325 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,257 total reads

 287,257 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top