Bagong paraan sa pagninilay sa buhay ni San Padre Pio, tampok sa Hallow App

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,676 total reads

Itatampok ng Catholic prayer app na Hallow ang isang bagong paraan ng pagninilay sa buhay at debosyon kay San Padre Pio ilang araw bago ang kapistahan ng santo sa September 23.

Inilunsad nito ang “Paghilom,” isang siyam na araw na nobena na pinangungunahan ng mag-asawang broadcaster na sina Julius at Tintin Babao na matagal nang deboto ni Padre Pio.

Inaanyayahan nito ang mga mananampalataya na idulog sa panalangin ang kanilang mga pisikal, emosyonal at espirituwal na sugat.

Hindi lamang nakatuon ang nobena sa mga himalang iniuugnay kay Padre Pio, kundi sa mismong mga karanasan ng santo sa karamdaman, paghihintay, pagdurusa at pakikiramay sa mga nagdurusa.
Ayon kay Bernz Ordoñez Caasi, Philippines Team Lead ng Hallow, nais nilang ipakita si Padre Pio hindi lamang bilang isang kilalang miracle-working saint kundi bilang isang taong nakaranas din ng sarili niyang paghihirap at buong-pusong inialay sa Diyos ang bawat isa.

“We wanted to approach Padre Pio not simply as the famous miracle-working saint people see on prayer cards and statues, but as a person who knew what it was like to be sick, to wait, to suffer, and to accompany other people in their pain,” ayon kay Caasi.

Sa siyam na araw na paglalakbay, inaanyayahan ang mga kalahok na magdala ng isang partikular na intensyon para sa pagpapagaling—maaaring karamdaman, sugat mula sa nakaraan, problema sa relasyon, o anumang bahagi ng buhay na nangangailangan ng paggaling.

Iginiit ni Caasi na bagama’t hinihikayat ng nobena ang mga deboto na hilingin ang kagalingan ay hindi ito nangangahulugang dumating ang sagot sa paraang inaasahan ng tao, kundi buong-loob na ipagkatiwala sa Diyos ang bawat kahilingan.

“The novena still asks boldly for healing, but its deeper invitation is to remain with Jesus even when the answer does not come in the way or at the time we expect,” aniya.

Bahagi ng bawat pagninilay ang mga yugto sa buhay ni Padre Pio, mula sa kanyang kabataan sa Pietrelcina at mga karamdaman, hanggang sa pagtanggap niya ng stigmata, paglilingkod sa mga maysakit at mga naghihirap, at sa kanyang huling pagdiriwang ng Banal na Misa.

Tampok din sa paghilom nobena ang Banal na Kasulatan, guided reflection at imaginative prayer upang mas mailapit ang mga deboto sa karanasan ng santo.
Sentro ng buong nobena ang panalanging iniuugnay kay Padre Pio: “Manatili Ka sa aking piling, Panginoon.”

Samantala, personal din para sa mag-asawang Julius at Tintin Babao ang kanilang debosyon kay Padre Pio.

Nagsimula ito mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas matapos silang hikayatin ng kanilang yumaong kaibigang si Ricky Lo na bumisita sa Padre Pio Center sa Quezon City.

Kalaunan, nang manalangin ang mag-asawa para sa isa pang anak, nangako silang kung pagkakalooban ng anak na lalaki ay pangangalanan itong Antonio Francesco, bilang parangal kina San Antonio de Padua, San Francisco de Assisi at Padre Pio, na ang baptismal name ay Francesco.

Ipinanganak ang kanilang anak na si Antonio Francesco o Nion a naging daan sa kanilang tradisyon na mamahagi ng mga larawan nina Padre Pio at San Antonio sa mga simbahan at kapilya tuwing kaarawan ng kanilang mga anak.

Gayunman, nilinaw ng Hallow na hindi ipinangangako ng Paghilom na agad makakamit ang kagalingan sa isang partikular na karamdaman, sugat o sitwasyon matapos ang siyam na araw.

Hinihikayat din ang mga nakararanas ng mabibigat na sugat na humingi ng tulong sa mga taong mapagkakatiwalaan o kwalipikadong propesyonal, habang itinatampok ang pagtatatag ni Padre Pio ng Casa Sollievo della Sofferenza, o Home for the Relief of Suffering, bilang halimbawa ng pagsasama ng panalangin at pangangalagang medikal.

Binibigyang-diin ng nobena na ang debosyon kay Padre Pio ay hindi nagtatapos sa santo kundi humahantong kay Kristo, partikular sa Kanyang presensya sa Banal na Eukaristiya.

“We don’t want to take away that boldness in asking. But ultimately, Padre Pio’s role is to lead us somewhere beyond himself. The destination of this novena is Jesus,” giit ni Caasi.

Mapapakinggan ang “Paghilom” sa Hallow app bilang paghahanda sa kapistahan ni San Padre Pio sa September 23 at maaari rin itong dasalin anumang panahon ng taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,946 total reads

 38,946 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,674 total reads

 74,674 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,944 total reads

 300,944 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,412 total reads

 194,412 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,351 total reads

 286,351 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top