Panibagong school violence, kinundena ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,077 total reads

Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panibagong insidente ng pamamaril sa loob ng paaralan sa Banga National High School sa South Cotabato kung saan tatlo ang naiulat na nasawi.

Ito na ang ikatlong insidente ng pamamaril sa loob ng eskwelahan sa loob ng tatlong buwan kasunod ng naganap na pamamaril sa Tacloban at Zamboanga.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat maging bahagi ng buhay ng mga batang Pilipino ang pamamaril at karahasan sa loob ng mga paaralan.

Binigyang-diin ng Pangulo na karapatan ng mga estudyante na makapag-aral nang walang takot at ng mga magulang na makatiyak na ligtas ang kanilang mga anak sa paaralan.

“Hindi natin maaaring tanggapin na maging bahagi na lamang ng buhay ng ating mga anak ang mga pamamaril sa paaralan. Karapatan ng ating mga anak na makapag-aral nang walang takot. Karapatan ng mga magulang na maipadala sila sa paaralan nang alam na uuwi silang ligtas. Ito ang pananagutan natin sa bawat pamilyang Pilipino,”diin ng Pangulo.

Iniutos ni Marcos ang masusing imbestigasyon sa insidente, kabilang ang kung paano nakakuha ng baril ang isang menor de edad at kung paano ito naipasok sa loob ng paaralan.

Tiniyak din ng Pangulo ang tulong at kinakailangang gamutan para sa mga nasugatan, habang nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

Inatasan din ng punong ehekutibo ang Department of Education, Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police na mag-ulat sa mga hakbang na ipinatupad para mapalakas ang seguridad sa mga paaralan.

Sinabi rin ng Pangulo na maglalabas ng karagdagang hakbang ang pamahalaan sa mga susunod na araw upang matugunan ang mga kakulangan sa seguridad at higit na maprotektahan ang mga estudyante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 118,229 total reads

 118,229 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 162,297 total reads

 162,297 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 212,050 total reads

 212,050 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 371,247 total reads

 371,247 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 392,988 total reads

 392,988 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top