Magpakatao, hamon ni Bishop Santos sa mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,691 total reads

Umapela si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng bansa na magpakatao at itaguyod ang karangalan at dignidad ng bawat mamamayan.

Ayon sa obispo, ang paninilbihan sa bayan ay isang sagradong paglilingkod kaya’t mahalagang magpakatao upang maisabuhay ang tunay na diwa ng paglilingkod ayon sa mga halimbawa ng Panginoon.

“To be truly human is not automatic—it is a choice, a calling, and a daily decision to live with truth, conscience, and compassion,” ayon kay Bishop Santos.

Binigyang-diin ng pastol ang kahalagahan ng ‘transparency, accountability, at obedience’ na dapat taglayin ng mga lider ng bayan, gayundin ng lahat ng mga naglilingkod sa publiko upang maisakatuparan ang mga sinumpaang pangako sa bayan.

Ayon sa kanya, nararapat na maging makatotohanan ang mga pulitiko sa kanilang mga salita at gawa, at kasabay nito, ipinaalala niya na ang pagiging halal sa bayan ay hindi karangalan kundi isang malaking responsibilidad na dapat gampanan ng buong katapatan at kababaang loob.

“Transparency begins with honesty before God and country; Accountability means answering not only to the law, but to conscience; Obedience means listening to the cries of the poor, the grief of flood victims, the anger of betrayed citizens,” dagdag ni Bishop Santos.

Sinabi ni Bishop Santos na bawat tao ay nilikha sa kawangis ng Diyos kaya’t dapat alalahanin ng mga lider ng bayan ang pagiging tao, lalo na ang kanilang pinaglilingkurang pamayanan.

Iginiit ng obispo na dapat masusing pag-aralan ang mga polisiya at batas na ipinatutupad, gayundin ang wasto at maingat na paggamit sa pondo ng bayan, dahil ang mga mamamayan—lalo na ang mga dukha—ang labis na apektado sa mga katiwalian.

“Before we are leaders, legislators, or public servants, we are first and foremost tao—human beings created in the image and likeness of God. Let us not reduce people to numbers in a ledger or objects in a system. Let us not forget that the policies we pass ripple through real lives,” giit ni Bishop Santos.

Nasa sentro ng kontrobersiya ang ilang mga lider ng bansa, mga ahensya ng pamahalaan, gayundin ang ilang mga kontratista, dahil sa mga nadiskubreng maanomalya at ghost flood control projects na pinaglaanan ng bilyong pisong halaga ng pondo mula sa buwis ng taumbayan na pinakikinabangan ng ilang mga nasa kapangyarihan.

Nagpapatuloy ang mga isinasagawang imbestigasyon ng kongreso sa mga katiwalian, habang makikiisa naman ang simbahan, kasama ang mga civic society organizations, sa “Trillion Peso March,” isang malawakang kilos-protesta sa Setyembre 21 upang kundinahin ang talamak na korapsyon sa pamahalaan at manawagan na panagutin ang mga sangkot sa katiwalian.

Mahigpit na paalala ni Bishop Santos sa mga opisyal ng bayan na isabuhay ang diwa ni Kristo sa paglilingkod sa sangkatauhan:
“Be more than your title. Be more than your office. Be human in the deepest, most divine sense,” giit ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 43,670 total reads

 43,670 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 123,597 total reads

 123,597 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 157,044 total reads

 157,044 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 192,343 total reads

 192,343 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 417,215 total reads

 417,215 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top