Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa Migrants Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,234 total views

Inaanyayahan ng Diocese of Novaliches ang mananampalataya na ipagdiwang ang National Migrants Sunday sa September 28.

Sinusugan sa liham circular ng Diocese of Novaliches ang pahayag ni Pope Leo XIV na ang mga migrant at refugees ay saksi ng pag-asa sa buhay na angkop sa tema ng paggunita na “Migrants, Missionaries of Hope”.

“Pope Leo XIV said that the ‘link between migration and hope is clearly evident in many contemporary experiencesof migration. Many Migrants, refugees and displaced persons are privileged witnesses of hope. Indeed, they demonstrate this daily through their resilience and trust in God,”ayon sa circular letter ng Diocese of Novaliches.

Sinabi ng Diyosesis na nararapat ding kilalanin ang mga Overseas Filipino Worker, Filipino Migrants at Seafarers upang mabigyan ng pansin ang kanilang mga sakripisyo para sa kanilang mga pamilya at para sa sa mga Pilipino.

Inihayag Father Roger Manalo – Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na ang pagidiriwang ngayong taon ay upang tugunan at mapalalim ang kaalaman ng mga Pilipino sa pangunahing suliranin ng mga Pilipinong migrante tulad ng kawalan ng legal na dokumento, panganib sa kanilang kalagayan, at mental health issues.

Ibinahagi din ni Fr.Manalo na maliit lamang ang porsyento ng mga migrante ang nakapagpundar ng negosyo o ari-arian kung kaya’t higit na kinakailangan ngayon ang patugon sa kanilang mga pangangailangan at pamilya.

““Ngayon pong National Migrants Sunday, kung titignan po natin yung National Migrants Sunday, na nagsimula noong March 1987, palagi po itong ginagawa dito sa RCAM (Roman Catholic Archdiocese of Manila) noong 2005 ay nagsimulang gawin sa iba’t ibang Diyosesis, so once a year po ito. Pero, since four years ago po, napag-isipan ko pong isuggest na sa halip na magkaroon ng isang celebration lang nationwide, kailangang dahil yung celebration sa bawat parokya sa buong Pilipinas,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Manalo sa programang Baranggay Simbayanan.

Taun-taon ginugunita ang Migrants Sunday sa mga parokya sa buong Pilipinas, kasabay ng World Day of Migrants and Refugees na itinatakda ng Vatican, upang ipanalangin ang mga OFWs, bigyang suporta ang kanilang pamilya at mapalaganap ang wastong kaalaan laban sa human trafficking at illegal recruitment.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 180,810 total views

 180,810 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 211,033 total views

 211,033 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 237,679 total views

 237,679 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 332,652 total views

 332,652 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 341,948 total views

 341,948 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top