Magtipid ng tubig, panawagan sa kapistahan ng San Juan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,444 total reads

Inanyayahan ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya at iwasan ang pagsasayang ng tubig.

Ang panawagan ni Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs ay kaugnay na rin sa kakapusan ng suplay ng tubig na nararanasan lalu na sa Metro Manila.

Ang Pista ni San Juan Bautista ay kilala sa tradisyon ng pagsasabuyan ng tubig o ‘basaan’ bilang paggunita sa Act of Baptism nang binyagan niya ang ating manunubos na si Hesus.

“Those who will celebrate the feast of St. John the Baptist should be smart enough not to waste water for the sake of merriment especially in this time of water shortage,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Jerome Secillano sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Pari, ang pagdiriwang at pagpapamalas ng pananampalataya ang tunay na diwa ng paggunita sa kapistahan ng mga Santo at hindi ang pagpapamalas ng mga kaugalian, nakasanayan at tradisyon.

“The lack of “water splashing” should not dampen their fiesta spirit. Fiesta, after all, is a joyous celebration of faith and not of some mundane cultural traditions or customs.” Dagdag pa ni Fr. Jerome Secillano.

Buwan ng Marso ng makaranas ng kakulangan sa supply ng tubig ang malaking bahagi ng Metro Manila na aabot sa 52-libong kabahayan ang nawalan ng tubig dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa La Mesa Dam na pinakamababa sa loob ng 12-taon.

Itinuturing namang pambihira ang kapistahan ni San Juan Bautista sapagkat siya ang natatanging santo na ipinagdiriwang ang Simbahan ang kapistahan ang kapanganakan sa halip na ang kanyang kamatayan o magiging martir.

Ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista ay ipinagdiriwang tuwing ika-24 ng Hunyo na nakapaloob sa kwento ng kanyang kapanganakan ang katapatan ng Diyos sa kanyang pangako at ang ipinapakita nitong mayroong tinakdang gampanin sa buhay ang bawat isa na inilaan ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 84,810 total reads

 84,810 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 142,970 total reads

 142,970 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 279,480 total reads

 279,480 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 394,953 total reads

 394,953 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top