Mahalaga na nakaugat sa Diyos ang mga batas ng lipunan- Bishop Ayuban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,914 total views

Nanindigan si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF na ang mga batas na ipinatutupad sa lipunan ay dapat na nakaugat sa mga turo ng Panginoon upang mapanatili ang katatagan ng pamayanan.

Sa nagpapatuloy na National Convention ng Canon Law Society of the Philippines, na may temang “The Church and the State: Distinct but not Separate,” binigyang-diin ng obispo na bagamat magkaiba ang pamamahala ng gobyerno at simbahan, magkaugnay pa rin ang kanilang paglilingkod sa sambayanan. Dahil dito, mahalagang ang mga batas ay naaayon sa kalooban ng Diyos.

“Kung ang ating mga batas ay hindi nakaugat sa batas ng ating Panginoon, ang ating lipunan ay babagsak,” pahayag ni Bishop Ayuban sa panayam ng Radio Veritas.

Isa sa mga tinalakay sa pagpupulong ay ang usapin ng diborsyo, kung saan nananatiling matibay ang paninindigan ng Simbahan sa kasagraduhan ng kasal at sa kahalagahan ng pamilya bilang pundasyon ng lipunan.

Ayon kay Bishop Ayuban, ang pagtutol ng Simbahan sa diborsyo ay alinsunod sa Canon Law, sapagkat saklaw nito ang sakramento ng kasal.

“Maaaring may maling pag-unawa dito, sapagkat ang kasal ay isang institusyong kinikilala at ipinagtitibay ng Simbahan, kaya may karapatan itong makialam,” paliwanag ng obispo.

Dagdag pa niya, bilang mga binyagang Kristiyano, tungkulin ng bawat isa na malaman ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng Canon Law. Hinihikayat niya ang mga layko na pag-aralan ang mga batas ng Simbahan, na maaaring basahin sa website ng Vatican (vatican.va) upang lumawak ang kanilang kaalaman sa pananampalataya.

“Hinihikayat ko ang mga layko na alamin ang Code of Canon Law, dahil marami ang hindi pamilyar sa kanilang mga tungkulin at karapatan bilang kasapi ng Simbahan. Mahalaga ring maunawaan nila na sila ay may hawak na mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng Canon Law,” ani Bishop Ayuban.

Mahigit 200 delegado ang dumalo sa 31st Canon Law Society of the Philippines Convention na ginanap sa Novotel, Quezon City, mula Pebrero 24 hanggang 27, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 42,469 total views

 42,469 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 75,551 total views

 75,551 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 103,902 total views

 103,902 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 171,634 total views

 171,634 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 191,817 total views

 191,817 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top