Maka-kalikasang pinuno, kailangan sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,074 total reads

Hinikayat ng iba’t ibang grupo ang publiko na piliin at ihalal ang mga kandidato ngayong nalalapit na eleksyon na nagpapakita at itinataguyod ang pagmamalasakit para sa kalikasan.

Ito ang layunin ng pagtitipon na pinamagatang “Pagninilay para sa Halalang 2022,” na isinagawa sa harapan ng Commission on Elections (Comelec) Headquarters sa Intramuros, Manila nitong April 12, 2022.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Caritas Philippines, EcoWaste Coalition, Miss Earth Foundation, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV- Archdiocese of Manila), at ang Samahan ng mga Mangangalakal ng Scrap sa Capulong.

Ayon kay EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na sa papalapit na May 9, 2022 National and Local Elections, panawagan nito sa mga botante na ihalal na lider ng bayan ang handang ipagtanggol ang inang kalikasan laban sa iba’t ibang polusyon at unti-unting pagkasira.

“We need public servants who will fight corruption, garbage and pollution and stand for sustainable, zero waste and toxics-free development for all,” pahayag ni Lucero.

Pakiusap naman sa publiko ni Father Enrico Martin Adoviso, tagapangasiwa ng Archdiocese of Manila Socio-Political Advocacy (PPCRV-RCAM) na alalahaning mabuti ang karapatan at tungkulin ng bawat isa sa malayang pagboto upang isulong ang ikabubuti ng lahat, na nagpapakita rin ng paggalang sa sangnilikha.

“As good citizens of our beloved nation, let us forge unity and vote responsibly towards clean, honest, accurate, meaningful and peaceful (CHAMP) elections,” ayon kay Fr. Adoviso.

Inihayag din ni Fr. Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines na bilang mga katiwala ng nilikha ng Diyos, ang bawat isa ay mayroong tapat na tungkulin upang maghalal ng mga opisyal na mangunguna sa pagpapanumbalik at pangangalaga sa napinsalang kapaligiran.

“Our failure to do so will make it ever more difficult for our communities and our country as a whole to overcome the environmental challenges before us,” saad ni Fr. Labiao.

Nagtapos ang pagtitipon sa pamamagitan ng panalanging inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa mapayapa at malinis na halalan ngayong Mayo 2022

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 17,370 total reads

 17,370 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 98,724 total reads

 98,724 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 132,174 total reads

 132,174 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 167,472 total reads

 167,472 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 393,454 total reads

 393,454 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,838 total reads

 155,838 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top