VeritasPH

The Word, The Truth

 247,634 total views

Mga Kapanalig, isang taon matapos ang Mindoro oil spill, wala pa ring napananagot sa pinsalang idinulot ng trahedya sa kapaligiran at kabuhayan ng mga apektadong komunidad. Hindi pa rin nakakamit ng mga residente ang katarungan at buong kabayaran para sa nawalang hanapbuhay nila, lalo na noong ipinataw ang limang buwan na fishing ban. Ayon kay Aldrin Villanueva, presidente ng Pola Municipal Fisheries Aquatic Resources Management Council at lider ng grupong Lapian ng Mangingisda sa Batuhan, 627 lang sa mahigit 4,000 claimants mula sa bayan ng Pola ang nakatanggap ng paunang bayad nitong Pebrero. Aniya, ₱14,000 sa nakatakdang bayad na ₱54,000 pa lamang ang natatanggap nila.

Ika-28 ng Pebrero noong 2023 nang tumapon ang kargang industrial fuel oil ng barkong MT Princess Empress matapos itong lumubog ito sa karagatang sakop ng bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro. Natapon ang higit sa 800,000 litro ng langis na nakaapekto sa 173,000 katao at 17,000 na mangingisda sa mga rehiyong Mimaropa, Calabarzon, at Western Visayas. Siyam na bayan naman sa Oriental Mindoro ang isinailalim sa state of calamity, kabilang ang Pola na itinuturing na ground zero ng trahedya. Inilagay rin ng oil spill sa panganib ang Verde Island Passage (o VIP) na kinikilala bilang “center of global shorefish biodiversity.” Batay sa pag-aaral ng Center for Energy, Ecology, and Development (o CEED), tinatayang 41.2 bilyong piso ang halaga ng idinulot na pinsala ng oil spill.

Ilang linggo bago ang unang anibersaryo ng trahedya, kinundena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (o CBCP) ang kawalan ng pananagutan mula sa mga kumpanyang nasa likod ng oil spill at sa mga pabayáng awtoridad. Ipinahayag ng CBCP ang suporta nito sa pagkamit ng hustisya para sa mga napinsala ng oil spill—sa mga ninakawan ng hanapbuhay, sa mga pamilyang nawalan ng makakain, sa mga nagkasakit dahil sa polusyon, at sa kalikasang nasira.

Inirekomenda ng Department of Justice ang pagsampa ng mga kasong kriminal laban sa RDC Reield Marine Services, ang shipowner o may-ari ng MT Princess Empress, at sa mga opisyal nito dahil sa pamemeke ng mga dokumentong naging daan para makapalaot ang barko. Ngunit para kay Fr Edwin Gariguez, lead convener ng Protect VIP, hindi sapat ang mga kasong ito. Giit niya, maliban sa may-ari ng barko, may pananagutan din ang San Miguel Corporation (o SMC) na may-ari ng SL Harbor Bulk Terminal Corporation na nag-charter sa barkong lumubog at kung saan nanggaling ang langis. Kinumpirma ni Ramon Ang, ang bilyonaryong CEO ng SMC at isa sa pinakamayaman sa Pilipinas, na ang shipping subsidiary nila ang isa sa mga kliyente ng shipowner. Sa isang panayam, sinabi ni Fr Gariguez ang kanyang pagkadismaya sa tila hindi paghabol sa SMC na ‘di hamak na mas malaking isda, ‘ika nga, kaysa sa may-ari ng barko. 

Ipinaalala ni Fr Gariguez ang wika ni Pope Francis sa panlipunang turo ng Simbahan na Laudate Deum: ang mga pinakamabisang solusyon ay hindi magmumula sa mga indibidwal na pagsisikap lamang ngunit, higit sa lahat, mula sa mga pulitikal na desisyon. Samahan natin ang panawagan sa hustisya para sa mga napinsala ng oil spill. Huwag nating hayaang maging mailap ang katarungan at hindi papanagutin ang mga responsableng kumpanya at mga awtoridad. 

Mga Kapanalig, hiráp pa ring makabangon ang mga mangingisda at kanilang pamilya mula sa trahedyang idinulot ng mga korporasyong patuloy na yumayaman sa pagsira ng kalikasan. Wika nga sa Amos 5:24, “padaluyin [natin] ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.” Kailangang panagutin at pagbayarin ang mga nagdudulot ng polusyon at peligro sa mga tao at sa kapaligiran. Let us make polluters pay!

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 2,239 total views

 2,239 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 9,775 total views

 9,775 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 25,761 total views

 25,761 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 33,806 total views

 33,806 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 38,886 total views

 38,886 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 2,240 total views

 2,240 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 9,776 total views

 9,776 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 25,762 total views

 25,762 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 33,807 total views

 33,807 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 38,887 total views

 38,887 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,031 total views

 43,031 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,817 total views

 44,817 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,742 total views

 41,742 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,056 total views

 56,056 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,746 total views

 59,746 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,349 total views

 58,349 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,336 total views

 68,336 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,304 total views

 72,304 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,191 total views

 83,191 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,630 total views

 95,630 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top