Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makibahagi sa misyon ni kristo, hamon ng pari sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 11,992 total views

Hinamon ng rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan ang mga mananampalataya na makibahagi sa misyon ni Kristo.

Ito ang paanyaya ni Fr. Dario Cabral sa bawat isa kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ng patron ng mga magsasaka na si San Isidro Labrador at ika-230 Pistang Bayan ng Pulilan nitong Mayo 15.

Tema ng pagdiriwang ang “Pakikibahagi sa misyon ni Kristo” kung saan ayon kay Fr. Cabral ay layong bigyang-halaga, hindi lamang ang pagpapalaganap ng mabuting balita, kun’di maging ang pag-aalay ng panalangin para sa mga magsasaka at pagkakaroon ng masaganang ani sa bukiring bayan ng Pulilan.

“Binigyan natin ng linaw ang misyon na ito ay hindi lamang pamamansag ng mabuting balita, bagamat ito ‘yung pinakasentro ng ating pakikibahagi ng misyon. Pero gayundin ay binigyan namin ng diin dito sa mga pagninilay at sa pagdiriwang ang pagpapahalaga, pag-iingat, at pagsisinop sa ating kalikasan, sa ating mga kabukiran, at sa pagsasaka,” ayon kay Fr. Cabral.

Paliwanag ng pari na pinagtuunan sa mga Misa Nobenaryo ang pananalangin para sa kalikasan, kabukiran, at ang patuloy na masaganang ani para sa mga magsasaka sa tulong ng patnubay ni San Isidro Labrador.

Dagdag ni Fr. Cabral na sa pamamagitan ng pagsasaka ay naipapakita pa rin ang pakikiisa at pagtugon sa misyon ng Panginoon tungo sa kabanalan katulad ng ipinamalas ni San Isidro sa pamamagitan ng paggawa.

“Hindi lamang ito pagdiriwang ng tradisyon, kung hindi ng presensya ng Diyos na laging nasa atin at saan man naroroon lalo’t higit sa mga kabukiran at mga naglilinang ng bukid,” ayon kay Fr. Cabral.

Kabilang naman sa mga itinampok sa pagdiriwang ang Kneeling Carabao kung saan umabot sa humigit-kumulang 300 kalabaw ang nakilahok mula sa Pulilan gayundin mula sa mga karatig na lugar.

Isinasagawa ang tradisyunal na pagpapaluhod sa mga kalabaw sa harapan ng simbahan tuwing ika-14 ng Mayo, bisperas ng kapistahan ni San Isidro, bilang simbolo ng pagpapakumbaba at pagpapasalamat sa mga natanggap na biyaya sa nagdaang taon.

Samantala, pinangunahan din ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang Misa Concelebrada para sa karangalan ni San Isidro, katuwang sina Fr. Cabral, bikaryo paroko, Fr. Renato Brion, Jr., at mga pari ng diyosesis.

Nakatuwang din ng parokya sa pagdiriwang ng Pistang Bayan ngayong taon ang Hermano Mayor na si Pulilan Association of Barangay Captains President Dennis M. Cruz.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 36,730 total views

 36,729 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 68,725 total views

 68,724 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 113,517 total views

 113,516 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 136,756 total views

 136,755 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 152,155 total views

 152,154 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 3,679 total views

 3,679 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top