“Makinig kayo ng turo, at kayo’y magpaka-pantas” (Kawikaan 8:33)

SHARE THE TRUTH

 245 total views

Daan ang edukasyon upang makamit ng bawat tao ang kanilang mga mithiin sa buhay. Isa ito sa paraan upang maging maunlad ang isang bansa na syang nagsisilbing sandata para sa kinabukasan, gayunman, sa likod ng edukasyon na ating tinanggap o tinatanggap mula sa paaralan, ay mga guro na inilalaan ang kanilang sarili bilang mga pangalawang magulang at tagapagturo ng mga bagay na dapat nating malaman. Mula nuong ika-5 ng Setyembre hanggang sa kasalukuyan, pinagdiriwang natin ang National Teacher’s Month, samantala, itinalaga naman ng United Nations Education and Cultural Organizations o UNESCO ang ika-5 ng Oktubre bilang World Teacher’s Day, ito’y base na rin sa Republic Act No. 10743.

“Ang mga narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi ay ituro mo sa mga taong mapagkakatiwalaang magturo naman sa iba” (2 Timoteo 2:2 MBB)

Mula sa pagka-bata na dumaan din bilang mag-aaral, isa nang pangarap ang propesyon na makapagturo at makatulong sa mga bata ang pinili ng isang choir member ng parokya ng Sta. Clara de Montefalco na si Bb. Viel Cerize Antazo, LPT, 24, isang guro sa isang paaralan sa Pasay. “It’s my dream profession”, sabi ni Bb. Antazo, “Not because I have no choice, it’s really my choice” dagdag pa niya.

Nagsimulang maging guro taong 2013, ngunit hindi naging madali sa kaniya ang naturang trabaho. Naririto ang pakikisama sa mga mag-aaral, pagod sa mga gawain at maging ang paghawak ng mga mag-aaral na madalas sumusuway. “Syempre, ikaw napapagod ka din sa trabaho mo, kasi gusto mo makumpleto yung tulog mo, yung hindi ka gigisingin ng maaga?”sabi ni Antazo, “Pero the mere fact na iniisip ko yung mga estudyante, yung advisory class ko, lahat ng section na tinuturuan ko na sino yung magtuturo sa kanila? Yun yung (mga) iniisip ko everytime na gigising ako ng maaga” giit pa niya.

Sa loob ng nagdaang apat na taon, hindi maiiwasan na maranasan rin niya ang mga pinakamasasaya at malulungkot na bagay, ngunit aniya, di-makakaila na bahagi ng pagiging guro niya ay ang mapamahal sa mga mag-aaral, kung saan ilan sa mga ito ang tinuring na rin siya bilang isang nakatatandang kapatid o magulang.
Bilang aktibong miyembro ng choir sa kanilang parokya, ang pag-lilingkod sa Simbahan ay nakatutulong din sa kaniya upang makapag silbi sa mga bata na kaniyang tinuturuan, “Yung values na na-aadopt ko sa pagiging member ng choir, naituturo ko sa estudyante”, giit ni Antazo.“Sa pagiging teacher, it requires a lot of dedication and efforts, dedication in terms of teaching content and to love your students”, dagdag pa niya sa panayam ng Veritas-Catholink.

“Naglagay ang Diyos sa Simbahan, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta at ikatlo, ng mga GURO…” (1 Corinto 12:28)

Si Bb. Antazo ay isa lamang sa mga nagtalaga ng kanilang sarili na makapag silbi sa mga bata na nangangailangan ng karapatdapat na edukasyon. Ayon sa pag-aaral mula sa UNESCO, kinakailangan ng mga bansa ang tinatayang 68.8 na milyong guro sa darating na labing-apat (14) na taon upang makapag bigay ng kalidad na edukasyon sa elementarya at high school. Dahil sa kanilang kahalagahan, mismong si Papa Fransisko ang nagpapatotoo na ang propesyong ito ay may kaakibat na responsibilidad. Sa kaniyang talumpati sa harap ng Italian Association of Catholic Teachers nuong Marso 2015, sinabi niya, “Ang pagtuturo ay isang mabigat na tungkulin na kayang gampanan lamang ng mga taong may hustong gulang at husay”

Bukod rito, pinagdiriwang din naman sa Simbahan ang National Catechetical Month na may temang “Catechists: Agents of Renewal in the Parish”, ito naman ay bilang parangal sa mga katekista sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo ng katesismo. Ayon sa datos nuong 2016, sa buong bansa ay may tinatayang 89 na mga Catechetical centers at mga paaralan na nagsasagawa ng catechetical trainings ang kinikilala ng Association of Catechetical Centers & Colleges/Universities with Rel.Ed (ACCRE).

“Tinatawag niyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka’t ako nga” (Juan 13:13)
Mula sa mga gurong ito na masigasig na nagtuturo, isang ehemplo rin na maituturing ang ginampanan ni San Juan Bautista de La Salle, ang patron ng mga guro. Siya ay ang nagtatag ng Institute of the Christian Brothers o mas kilala bilang De La Salle Brothers, nilaan niya at ng kaniyang mga kasama ang kanilang buhay sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mahihirap at mga nangangailangan nito.

Bilang pang-wakas, bawat tao na nagtatrabaho, mga personalidad na may tungkulin, sa gobyerno man o pribadong kumpanya ay nagdaan sa mga guro. May ilan sa kanila ang may magagandang karanasan, ang iba’y may mga natutunan sa mga guro maging sa pamumuhay, ngunit dapat din natin alalahanin na sa pagtatapos ng araw, tayong lahat ay karapatdapat magpasalamat sa ating dakilang Guro at Panginoong Hesus.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 5,983 total views

 5,983 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 18,407 total views

 18,407 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 33,842 total views

 33,842 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 35,082 total views

 35,082 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 45,095 total views

 45,095 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Catholink Information
Veritas Team

San Antonio at 75

 293 total views

 293 total views Hunyo 12, 2018, Loreto St. Sampaloc Manila, Ito and ika-75 na taon na celebrasyon nila na pinaghahandaan taon-taon na inaalay kay St. Anthony de Padua. Initugarian itong pinakaaabangan nilang okasyon dahil di lamang dahil maigit 75 na taon, ngunit, nagbabalak din and simbahan na itinagurian itong opnisyal at kikilalanin na shrine sa buong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top