Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malawakang pagkilos para sa pananagutan ng mga corrupt, pangungunahan ng CGG at Cardinal David

SHARE THE TRUTH

 3,797 total views

Idadaos ng Clergy for Good Governance (CGG) ang punong talakayan sa November 19, 2025 kaugnay ng malawakang pagkilos sa November 23 at 30, 2025.

Sa isasagawang Press conference sa Edsa Shrine, ibabahagi rin ang mensahe ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David para sa mga Pilipino hinggil sa patuloy na paglaban sa katiwalian.

Ito ang paanyaya ni Running Priest Father Robert Reyes nang CGG upang maging handa ang mga Pilipino at mamamahayag hinggil sa mga dapat asahang mangyari sa dalawang linggong magkakasunod na pagkilos.

“Lalabas po bukas yung audio/video message ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David tungkol sa November 23/30 Mass/rally ng simbahan at mga iba’t ibang sektor para sa accountability, transparency, and against corruption. Kaya bukas po, magsasama ang Clergy for Good Governance at ang mga partners nito sa EDSA Shrine sa ganap na alas-nuwebe y medya hanggang alas-diyes, at doon ilalabas po ang video message ni Cardinal Ambo na nakikiisa sa lahat dahil siya po ngayon ay nasa Brazil, nag-aattend ng COP30.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Reyes

Hinimok ni Fr.Reyes ang mga Pilipino na tutukan at alamin ang ruta, polisiya at mahahalagang tagubilin sa pagkilos na pangungunahan ng simbahan sa Nov.23 at 30.

Ayon sa Pari, bilang paunang mensahe layung maipaalam sa Pilipino na ang Panginoong Hesukristo ay kasama ng mga tao at maglilingkod sa sanlibutan upang maisulong ang kabutihan at katotohanan higit na ngayong nababalot ng anomalya ang pamamahala sa kaban ng bayan.

“Yung leader na naglilingkod, yung leader na lingkod, kaya ipaliliwanag niya ’yan, palalalimin niya ’yun sa konteksto ng korapsyon, ng impunity, walang accountability, walang transparency. Kaya po nakarating tayo sa puntong ito — nabulaga na lang tayo na matagal na palang nangyayari yung pagnanakaw ng ating pondo, yung mismong mga dapat na napoprotekta nito,”

Noong September 21 2025 ay una nang naidaos ang Trillion Pesos March kung saan nanindigan ang Simbahan kasama ang iba pang mga relihiyon, Pilipino at kalipunan ng mga grupo sa EDSA People Power Shrine upang kundenahin ang maanomalyang flood control projects at mga nabubunyag na katiwalian sa pamahalaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 90,864 total views

 90,864 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 113,697 total views

 113,697 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 138,097 total views

 138,097 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 156,725 total views

 156,725 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 176,468 total views

 176,468 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Paghahanda sa Nazareno 2026, isinapubliko

 5,628 total views

 5,628 total views Isinapubliko ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno ang mga pangunahing gawain at paghahanda para sa Nazareno 2026 na gaganapin sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Anak OFW formation program, mas pinalawak

 30,142 total views

 30,142 total views Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People

Read More »
Scroll to Top